"KATOTOHANAN"
==============================
Sa mundong ibabaw ako'y nakikitira
Na puno ng mga taong magkakaiba
Na may mabait ngunit meron ding naibaba
Subalit hindi ko alam ang dahilan nila
Ako'y nag iisa sa piling ng mga magulang
Malungkot at naghahanap ng kaibigan
Sa paaralan ko ba sila makikita?
Na sila ang matagal ko ng hinahanap
Sasaya ba sa piling ng mga kakilala
O malulungkot dahil sa katotohanan
Na hindi ako tunay na kaibigan nila
At nagkukunwari lang pag ako'y nakaharap na
Ako ba'y masaya dahil sa piling nila
O nagkukunwari lang para ako'y sumaya
Dahil ang katotohanan ay di nakikita
At patuloy na nagbubulag bulagan
Masakit man itong malaman
Ngunit dapat dahil ito'y katotohanan
Na hindi ka sasaya sa piling nila
At ika'y lalo lang mahihirapan
Huwag ng magbulagbulagan
Sa katotohanang nalaman
Hindi lahat ay pasasayahin ka
Dahil ang iba ay paluluhain ka.
==============================
Poet's note: Hi readers!!! Pangatlo ko na po itong poem, sana mabasa at magustuhan niyo. Hit vote kung nagustuhan niyo at comment lang sa mga may gustong sabihin.
SANA WAG PO NINYO KOPYAIN ITO AT ANGKININ. DAHIL HINDI KAYO ANG NAG ISIP AT NAGSULAT NITO.
Love, stonekisses x o x o
YOU ARE READING
The Poems by stnksss
PoetryThis is my own collection of my own poems that I wrote. Not a pro, but hopefully you'll like these poems of mine. It'll be written in Tagalog or in English language. ❗️All the photos on each poem here in my collection are NOT MINE. 📆 29 July 2014 ✍...