Chapter 20: Obligado

16 0 0
                                    

"Okey, yung mga 4th year na kasali na noon sa dance troupe hindi niyo na kailangan mag audition." Ani ng aming adviser

Matagal na kaming dance troupe nina Darcy, Kara at Carina. Ginawa nalang nalang namin doon ay tignan ang mga nag auudition. Madami din kaisng sumali kaya kung lahat makakapasok ay over npopulated na siguro ito. 

Nang si Cris na ang mag auudition ay halos malaglag ang panga ng mga babae doon. Magaling siyang sumayaw hindi ko ipag kakaila yun pero napaka OA nilang puriin si Cris. Ano siya santo? Grabe hindi ko alam kung matatagalan ko pa ito. 

Nag banggit na ng mga pasok para sa dance troupe. Maraming pumasa. Masaya naman ako dahil halos lahat dun ay mga kilala ko din. 

"Sige, pwede na kayong umuwi. Sino bang pwedeng gumawa ng group naten sa facebook? para dun nalang ipopost ang mga events na sasayaw tayo." Ani ni Mam

Walang sumagot dahil lahat kami ay tamad, haha. Kaya nag turo nalang si Mam. 

"Ok, Savana ikaw nalang gumawa ng group naten at kunin mo ang mga cellphone number nila." 

Ano ba naman yan, ako pa ang nautusan ni Mam. Obligado tuloy ako ngayon. 

"Class Dismiss"

Inumpisahan ko ng kunin ang mga cellphone number nila. Habang ginagawa ko iyon ay pinag kakaguluhan naman nila si Cris sa gilid. 

"Ano ba yan! Artista?" Ani ko

"Ano ba yan? Bitter?" Ani ni Carina

"Hindi naman sa ganun, kaso famous ba yan? Pinag kakaguluhan. Hindi nga gwapo. Tigna mo si Kara nakikisawsaw dun. Parang timang lang." 

"E pabayaan mo, inaano ka ba niya? Haha" 

"Naalibadbaran lang ako ako parang walang katahimikan pag siya ung kasama mo." Sabay tingin ko kay Cris at irap

Hindi ko hiningi ang numbe rni Cris. Sa facebook nalang, ganun din naman. Wala akong balak kausapin siya. Hindi ko siya trip. 

The Exposed SecretWhere stories live. Discover now