Chapter 5: Smile That Kills Me

43 0 0
                                    

Chapter 5:

Nakahiga padin ako sa kama at nag mumukmok parang ayokong pumasok sa mga nalaman ko. Gusto ko nalang magkulong sa kwarto. Hindi ako nakatulog. Sino bang makakatulog pag nalaman nila ang mahal nila ay bf na ng bestfriend nila.

Pero hindi ako pwedeng mag mukmok nalang at dito at mag paka pariwara dahil dun kaya naisipan kong mag ayos at pumasok na ng school.

Wala ako sa ulirat at lutang ang pakiramdam. Ni hindi ako makakain.

"Hoy, Savana okey ka lang?" Ani ni Leigh

"Oo naman. Baket?" Ani ko.

"Parang wala ka sa sarili?" Ani ni Leigh

"Wala lang. Pagod ako di ako nakatulog" ani ko.

"Tara, canteen tayo." Ani niya

Bumaba ako ng canteen para hindi na nila mahalata na nag mumukmok ako. Nag pakasaya nalang kunware.

Nang nag uwian na sabay kami nina Carina, Darcy at Kara umuwi.  

Magkapitbahay kami ni Carina at si Darcy naman ay nakatira lang sa holycross. Si Kara naman ay sa may talipapa lang.

Nag tanong sila kay Darcy kung kamusta na sila ni Kyan. Paano niya ito sinagot at kung anu-ano pa. Hindi nalang ako nakinig sa usapan nila dahil alam ko na sa sarili kong masasaktan lang ako.

BUmaba na kami ng jeep ni Carina, naunang nakauwi si Carina dahil pag pasok palang ng gate ng subdivision naming ay andun agad ang kanilang bahay habang ako naman ay sa pinaka baba pa ng subdivision.

Habang papaba na ako papunta sa bahay ay nakasalubong ko si Kyan. Kunware ay nag tetext ako kasi naiilang pa din ako sakanya. Nagulat ako ng hinarang niya ako. Napatingin ako sakanya at hinawakan niya ang ulo ko. Nagulat ako at ngumiti siya saken. Ngumiti nalang din ako sakanya.

The fvck! That smile kills me.

Pag dating ko ng bahay hindi ko na alam anong gagawin ko. Para akong mababaliw sa sobrang saya. Hindi naman yun ang unang pag kakataon na nag pansinan kami pero iba kasi un e. May hawak. You know that feeling. Parang ngayon palang pwede na akong kunin ng mga santo. Haha. Joke.

The Exposed SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon