Chapter 10: Ang Pag-amin

42 0 0
                                    

Chapter 10:

Hindi ko alam pero parang may pakiramdam ako na kakaiba. Parang hindi dapat pero sinagot ko siya.

Ako:

“Oh baket Kyan?”

Kyan:

I love you.

Nag wala nanaman ang kung ano sa sistema ko, nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero ang saya saya ko talaga. Sobrang saya. Yung sayang hindi maipaliwanag. Hindi ko akalain na mahal din pala niya ako. Pero natatakot ako, feeling ko mali ito.

Ako:

Huh? Wrong send ka ba?

Kyan:

Hindi, para sayo talaga yan. Savana may gusto sana akong sabihin.

 

Ako:

Huh? Ano yun?

Kyan:

Savana, mahal na kita. Hindi ko alam bat bigla ko tong naramdaman.

Ako:

Niloloko mo lang ako e. Haha. Joker ka talaga.

Kyan:

Hindi, mahal na talaga kita. Kaya kong hiwalayan si Darcy para sayo.

Ako:

Anong pinag sasabi mo dyan? Nababaliw ka na ba?

Sa unang pag kakataon nakaramdam ako ng lungkot habang kausap siya. Hindi ko kayang saktan ang bestfriend ko pero hindi ko din kaya pag nawala pa sakin si Kyan.

Kyan:

Oo. Gusto ko pag hinwalayan ko si Darcy tayo na.

Ako:

Agad? Hindi ganun kadali yun. Alam mo naman na bestfriend ko si Darcy.

Kyan:

Alam ko pero mahal na talaga kita.

Hindi ko na nireplayan si Kyan, dahil natatakot ako na baka malaman pa ito ni Darcy. Hindi ko alam anong gagawin ko pag siya na ang nakaalam. Alam mo yung pakiramdam na gusto mo kasi siya na yun e. yung lalakeng pinangarap mo dumating na sayo pero parang may mali. Alam mong mali at bawal na pag ibig yun. Hindi pwedeng maging kayo kasi masasaktan mo ang bestfriend mo. 

Masakit sakin pero ginawa kong iwasan si Kyan. Sa tuwing nakikita ko siya nadudurog ang puso ko. Hindi ko alam kung sinong pipiliin ko sakanila. Pareho ko silang mahal pero kailangan pumili ako sakanila.

Iniwasan ko siya sa abot ng makakaya ko. Alam kong kaya ko to para sa bestfriend ko. Pero makulit talaga ang tadaha at pinag tagpo kami ni Kyan.

“Iniiwasan mo ba ako?” Ani ni Kyan

“U-uhm, hind ah. Bat naman?” Sagot ko

“Hindi ka na sumasagot sa mga text ko” Ani niya

“Wala naman, di ako nag paload.” Ani ko

At agad naman akong uamlis para hindi na niya ako kulitin. Ayoko na muna siyang Makita o makausap dahil lalo lang akong naguguluhan. Hindi ko alam kung igigive-up ko ba ang friendship namen ni Darcy para sa pag mamahal ko kay Kyan.

Biglang may nag text..

 Coleen:

Be, tara movie? Bawal ang humindi. Pumunta ka na dito sa bahay. May foods na, wag ka ng mag dala. Treat ko to.

Ano pa bang magagawa ko? Agad akong pumunta sakanila at nasaktuhan na nakita ko si Kyan na nakaupo sa sofa. Si Coleen naman nakaupo sa kabilang sofa.

“Dun ka umupo sa tabi ni kuya” Ani ni Coleen

Talaga naman ang tadhana pati ata kapatid netong si Kyan e nasabihan ng tadhana na pag lapitin kami.

Sobrang tahimik, nanunuod lang kami ng movie. Hindi ko alam pano ako kikilos. Feeling ko nakatali na ang mga paa at kamay ko.

Hanggang sa nabasag na nga ang katahimikan at nag tatawanan na kami at nag uuspa usap na din. Ayoko din naman iparamdam saknila na awkward kami ni Kyan.

“Kyan, peram ako ng phone mo.” Ani ko

“Ah, sige lang.” Sagot niya

Nagulat ako ng hindi manlang siya nag dalawang isip na ipahawak ito saakin. Ganun ba siya katiwala saakin? Nakakatouch.

“Salamat!” Ani ko

Tumingin lang si Kyan saakin at ngumiti. 

Nag handa ng maraming chicha ang mama ni Kyan. Sobrang baet niya talaga. Yung tipong mag barkada lang kami. Close kasi samin ang mamanila Kyan kaya ayos lang kahit na dun pa kami matulog sakanila

"Oh, Savana kaen lang ng kaen ah." Ani ni Tita Karmela

"Ah, sge po. thank you tita." Sagot ko

Napatingin ako sa orasan at mag 3am na ng umaga. Hindi ko namalayan ang oras sa sobrang saya namin nanunuod. 

“Uwi na ko gabi na, baka hinahanap na ko samin.” Ani ko

“Sige, ingat be.” Ani ni Coleen

Aga naman akong umalis ng bahay nila. Ang sarap sa pakiramdam pag close mo ang pamilya ng lalakeng mahal mo.

Biglang may nag text..

Kyan:

Nag enjoy ka ba?

Ako:

Oo naman, salamat ah. 

Kyan:

Mabute naman.

Ako:

Osge, tulog na ko ah. Goodnight.

Kyan:

Nagulat ka bang pinahawak ko sayo ang phone ko?

Ako:

Umh, hindi naman. Bat naman?

Kyan:

Wala naman, Kasi akala ko iisipin mo na hindi ko ipapahawak sayo ito e.

Ako:

Sguro, kasi privacy?

Kyan:

Wala na akong dapat itago pa sayo. 

Sobrang saya ko, feeling ko ako ang girlfriend niya sa mga panahon na iyon. Pero alam ko pa din na mali ito. 

The Exposed SecretWhere stories live. Discover now