"Marsy!!! Tumigil ka nga!!" Agad akong napatigil dahil hinila ako ni Stacy paharap sa kanya. Pareho kaming humihingal at kitang kita sa mukha niya ang sobrang pagod sa kakahabol sakin. "Marsy!! Hindi alam ni TL na may gusto ka sa kanya. Kaya kung gusto mong aminin ang nararamdaman mo wag nah!! Sinabi na niya diba si Debbie ang gusto niya! Isa pa alam ng lahat na matagal ng gusto ni Debbie si TL kaya wag ka ng mag interfere."

"Kailan ba ako nag interfere Stacy!!! Kahit kailan hindi ko pinaramdam sa kanya na may gusto ako sa kanya!!! Isa pa kung si Debbie ang gusto niya ide go!!! Wala na akong pakialam dun!!! Magsama sila!! Uuwi na ako!! Paghinanap niya ako sabihin mong natatae!!!"

Saka iniwan si Stacy. Lumabas na ako ng village nila at nagpara na ng taxi. Pagkatapos ng byahe ay nakarating na din ako sa bahay. Agad akong nagtungo sa kwarto ko at dun na ako humahagulhul ng iyak. 😭😭😭 ayoko na talaga!!! Naligo muna ako bago ako natulog para mawala lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko sa kanya. Ang swerte ni Debbie.

*****
Nung gabing yun ay pumasok ako ng prod na sobrang tamlay. Pagtungo ko sa post ay nadatnan kong nag uusap sila ni Debbie, tawa sila ng tawa buti nalang at hindi sila nabilaukan sa sarili nilang laway!! 🙄

"Hi Beshy!!! Kumusta ang practice nyo kina TL?" Tanong ni bakla sakin.

"Ayos lang! Tumatakbo lang kami."

"Balita samin ni Stacy iniwan mo daw sila ni TL!"

"Wag na nga lang natin pag usapan niyan. Nasan ba si Edward??"

"Nandun sa team niya." Tumayo ako at nagpaalam kay bakla.

"Pupuntahan ko lang si Edward babalik lang ako." Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para marinig niya, hindi naman ako nabigo dahil nakatingin siya sakin ngayon at iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya.

Hindi talaga ako pumunta sa post ni Edward kundi nag U-Turn ako at nagtungo sa clinic. Sakto namang nandun ang mga bff ko kaya nagtambay lang ako dun.

"Break mo ngayon?" Tanong ni Angelo sakin na katabi kong umupo sa kama.

"Hindi feeling break!! Ayokong mag trabaho ngayon."

"Bakit?? Broken hearted ka??"

"Hindi nuh?? Kanino naman ako ma bro-broken hearted?? Sila ang ma bro-broken hearted dahil sakin." Sabay flip ng hair ko.

"Wow! Ang confident mo naman teh!"

"Aba syempre!!"

"Victoria!!!" Agad akong napatingin kay TL na nakatayo sa door ng clinic. Hindi ko siya sinagot at tinaasan lang siya ng isang kilay. Taray!! "You come with me!!!" Yung ang huling sinabi niya saka lumabas ng clinic. Hindi sana ako susunod pero ginawa ko nalang.

Paglabas ko ng clinic ay naghintay siya dun sa may elevator. Lumapit ako sa kanya at saktong bumukas ang elevator, pumasok kaming dalawa at wala niisang nagsalita samin.

*Kru..kru..kru*

"San tayo pupunta TL?!" Basag ko sa katahimikan.

"Nagpapabili kasi si Debbie ng Starbucket." Agad na uminit ang ulo ko dahil sa narinig ko.

"Ehh bakit mo ako sinama?? Ide sana kayong dalawa ang nandito!! Nandamay ka pa sakin!!!"

"Ehh bakit ka nagagalit?? Don't worry I'll buy you also!"

"Wag nah!! May pera ako nuh!!!" Pagtataray ko saktong bumukas ang elevator kaya lumabas na ako at mas naunang pumunta patungong Starbucket. Nag order ako ng dalawang frappe kaya may pagtataka ang ekspresyon ng mukha niya.

Wrong Direction *GxG* (COMPLETED)Where stories live. Discover now