Ch6: Must be a sign

Start from the beginning
                                    

“Person I love but do not love me back” Hala, ang gwapo ng boses niya.

“Okay then, sit at the right side of the room” Naglakad na siya papunta sa right side at bago pa siya umupo, napatingin na naman siya sa akin.

Ano ba John, bakit ka ba tingin nang tingin? Nakakainis.

Napansin ko na lang na si Enzo, nasa kaliwang parte na ng room kung saan ang dami nila doon. Sila 'yung mga pumili ng taong mahal sila pero hindi nila mahal at… ang dami nila.

“Let the debate, begin! Left side, go”

Nagsimula nang magsalita 'yung mga tao sa left side. Sinasabi nila 'yung mga point of views nila and such. Ano bang meron sa tanong na 'to at usong uso atang pinagdedebatihan 'yung topic?

“I’d rather choose the person who loves me because I know in the right time; I’ll learn how to love him” Sabi ng isa nilang kaklaseng babae.

“But you can not teach yourself to love a person; I’d choose the person I love because I’m willing to wait for her” Sagot naman nung isa.

Nagbatuhan lang sila ng mga opinyon pero napapansin ko kay John, hindi siya nagsasalita—nakikinig lang sa mga sinasabi ng mga kaklase niya.

 

“I can’t love a person who won’t appreciate my efforts. It’s like studying for a long test and the classes got suspended”

 

“I can wait for her, even if I won’t get married, I’ll still wait”

 

“It’s better to feel that you are loved, you are cared and such. What if he doesn’t love me back? I’ll just waste all the effort I’d put…”

Marami pang kung anu-anong sinabi sila at ngayon, magsasalita na siya. Magsasalita na si John.

“The intention of us guys courting girls is because we want to win their love, and that is the reason why I chose this side. It’s much more fulfilling if the person I love will love me back; it will give me more happiness. I’d rather choose to be happy alone, to suffer alone than to let someone who loves me suffer alongside with me. If you keep on insisting that you can also love the person who loves you, then there is a huge possibility that the person whom I love will also repay the love I give. People who choose the latter are just people who want to be cared and be loved, you want to be safe. Safe for the fact that you are being loved so you won’t seek for anything else when in fact, you are just using that person for comfort. You know for yourself that if you choose the person you do not love, you’re just fooling yourself and the other person involved. Love someone without expecting anything in return, if you expected for more—then I think that feeling of yours is not love at all”

Umupo na siya sa upuan niya pero tahimik pa din ang lahat, pati ako—halos mapanganga sa mga sinabi niya. Straight English ang sinabi niya pero parang tumatak sa utak ko lahat, bawat words, bawat pause at bawat paghinga niya. Sa way ng pagsasalita niya, sa gestures niya at kung paano siya tumingin sa mga nasa left side.

Napaka…

Napaka convincing.

Natapos na ang klase nila at parang hindi na pumasok sa isip ko 'yung mga pinagsasabi ng iba nilang kaklase. Basta ang alam ko lang, napaka ganda ng sagot ni John. Sobrang ganda to the point na parang…

…nakuha niya ang paniniwala ko.

 

“Alam mo Zelle, sign na 'to” Napataas naman ang kilay ko sa mga pinagsasasabi ng Enzo na 'to.

 

“Anong sign?”

 

“Sign! Sign na sagutin mo na 'yung tanong na 'yun” Napabuntong hininga ako. Napapalo pa ako sa noo ko sa kakulitan na 'to.

Well maybe, it's a sign. A sign na…

…paniwalaan ko si John…?

 

“Alam mo, kung ako sa'yo. Dun ka sa taong mahal ka pero hindi mo naman mahal. Kasi 'yung taong mahal ka, aalagaan ka, hindi ka papabayaan at mamahalin ka ng taos puso. Hindi ka hahayaan mag isa ng taong mag mamahal sa'yo. At kung tutuusin, pwede mong makamtan sa piling niya 'yung kaligayahan na hinahanap mo, hindi rin malayong mahalin mo din siya. Pramis, seryoso” Napangiti lang ako sa sinabi ni Enzo at napaisip na naman.

“Hindi ko alam pero parang… naniniwala na ako” kay John.

Nakita ko naman na parang ngumiti si Enzo na parang tanga, wala namang kangiti-ngiti sa pangyayari. Pati tuloy ako, napapangiti.

Sign? Sign na nga atang—crush ko na siya.

---x
Author's Note:
THANK YOU AND HAPPY READING GUYS!

Dedicated this chapter to Yuri. Nagkataon lang din na ang sagot niya ay taong mahal niya na hindi naman siya mahal. Thank you Yuri for answering the question sa prologue. 

Just One AnswerWhere stories live. Discover now