🍃HTLYB 52🍃

Mulai dari awal
                                    

"Sige Tita. It's bad to say no po!" masiglang tugon ko. Nahawaan na ata ako ni Ari sa katakawan!

"Oh! Ano toh? Bat nandito ka?" salita ng isang boses mula sa hagdan. Bruhang toh!

"Bakit? Masama ba?" tanong ko pabalik.

"Oo! Ano! Uubusin mo mga babies ko!?" taas kilay niyang sabi. Yung tinutukoy niyang "Babies" NIYA is her foods.

"Uyuy mo! Ikaw lang matakaw sating dalawa!" pang-aasar ko sakanya. Napasimangot naman siya.

"'Wag kang sumimangot, tama naman si Rayelle eh." mala cool na sabi ni Khaizer oppa mula sa likod niya. Yieeeee! Kinampihan ako ni oppa! 1 point for me!

"Heh!" sigaw niya at dumiretso sa dining area nila.

"Jusko, kayong mga bata talaga!" iling ni Tita Arianne.

"We're not kids anymore, Mom!" sigaw ni Khaizer oppa.

"No! No! No! Bata pa kayo Khai Khai!" sigaw ni Tita at pinisil ang mga pisngi ni oppa.

Pasimple naman akong pumunta sa Dining Area para makatakas kay Tita. Paniguradong panggigigilan din ako!

Nakita ko si Ari na kumakain. Haluh! Andami ng nasa plato niya. Mauubos niya kaya yan?

"Uyy! Dahan dahan lang! Mauubos mo yan?" nag-aalala kong tanong. Andami!

"Oo, ako pa!" confident niyang sagot.

Oo nga pala, ang takaw pala nitong babaeng ito! Walang inuurungang pagkain! Juskooo!

Tumabi nalang ako sakanya at kumuha ng pagkain. Unti lang since I already ate breakfast at home.

Patapos na ko nang dumating si Oppa, his cheeks were so red! God! Ganyan manggigil si Tita. Kaya kailangan layuan pag nanggigigil ehh!

"Anyare sayo, oppa? Pinanggigilan ka ni Mommy?" natatawang tanong ni Ari kay Khaizer oppa.

"Hindi ba halata?" ang sama ng tingin ni Oppa. Katakot ampp!

"Karma!" bulong ni Ari. Tawa naman ako ng tawa. Ito talagng babaeng ito!

Pagkatapos niyang kainin ang breakfast niya (which is ang dami!) ay umalis na kami. We uses her car, syempre may driver! Medyo marunong na siya pero para safe, hindi siya ang nagdrive kahit nagpumilit pa. Hindi naman ako marunong mag drive. Ayaw akong payagan nila Mommy at Daddy eh.

𝓗𝓸𝔀 𝓽𝓸  𝐋𝐎𝐕𝐄 𝔂𝓸𝓾 𝐁𝐀𝐂𝐊?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang