Back

1.9K 26 0
                                    


It was a rainy lazy afternoon and the song playing in the radio reminds her of her late husband. Coline closed her eyes, sipping her coffee. Noong nabubuhay pa ang kanyang namayapang asawa, tuwing naririnig niya ang "Can't Help Falling In Love" ay isinasayaw siya nito, yakap ang kanyang bewang mula sa likuran. He would always kiss her nape while swaying her in a slow dance. Some memories are really unforgettable, remaining ever vivid and heartwarming. And sometimes, it only takes one song to bring back a thousand memories. Para kay Coline, her best memories were the ones they made together. And she continued to hold on to those memories because they are the only things that don't change when everything else does. And with Louie, she felt a million feelings. She thought of thousand thoughts and gave her a hundred memories. Sometimes, she wished she could go back in life. Not to change anything but to relive and feel a few things twice.

"What are you thinking, Mommy? You're smiling." tanong ni Lauren saka siya tinabihan sa kinauupuan. She's eating her favorite pancakes and hot chocolate.

"Wala naman anak. Naalala ko lang ang Daddy mo." sagot niya at inubos ang kanyang kape.

"I miss him too, Mom."

"Coline, hija..." narinig niyang tawag ng kanyang babaeng biyenan kasabay ng mga yabag sa may sala.

"Nandito sina Lola, Mmy." ani Lauren saka madaling inubos ang kinakain upang puntahan ang bumisitang Lolo at Lola niya.

She followed where her daughter sat. Hinainan niya ng tsaa ang kanyang mga in-laws. Matagal na rin nang huli silang dumalaw. Three years na ang nakakaraan nang magfocus siya sa pagiging ina at pagpapalakad ng kumpanya ng kanyang ama. For all those years, kinalimutan na niya ang mga masasamang nagyari at alitan para sa ikatatahimik ng lahat.

"Hindi na kami magpapatumpik-tumpik pa, Coline. Kailangan nating bumalik sa Pilipinas." pasimula ni Don Noel. "May kailangan akong asikasuhing mga papeles. Alam mo naman na matanda na kami ni Espie. Gusto kong ayusin ang kailangang ayusin at iwanan sa dapat na pag-iwanan ang mga natitira kong assets."

"Naiintindihan ko, Pa. Pero bakit po biglaan naman?"

"Balita ko, hindi na rin ganoon kalakasan si Don Miguel. Kailangan din ng balae ko na sulitin ang mga oras niya sa mga apo namin. So we planned to stay there for good." ani Ezperanza.

"Kailan ho ba ang alis natin?" naguguluhan niyang tanong.

"Bukas. Dahil sa makalawa, kailangan naming humarap sa korte."sagot ng lalaki na nakatingin sa labas ng bintana at tila pinagmamasadan ang patak ng ulan sa salamin.

"May problema ba, Ma, Pa?" pag-aalala niya.

"Just pack your bags. We'll have an early flight tomorrow." saka nilagok ng ginang ang tsaa. "So we'll see you at the airport." dagdag pa niya at tumayo na upang umalis. 



Sweet SurrenderWhere stories live. Discover now