Lunch

2.8K 55 0
                                    

"Wag ka ngang magpa-cute diyan. Di bagay sayo. Ni hindi ka nga guwapo." Sabay irap ni Coline Kay JC habang hawak ang cold compress. Sumubsob kasi ito at nauntog upang masalo si Ezze. She's somewhat thankful. Nakita niyang lumabi ito. "Saan pa masakit?"

"Bakit mo nanaman ba ako tinatarayan?"

"Ano ba kasing kailangan mo at nagpunta ka pa dito? I'm, on leave. You should've told Yya first."

"I want to see you."

Pinipigilan niya ang kilig. Lord, alam ko naman na di na ko gaanong nakakasimba tuwing Linggo pero bakit naman ninyo pinadala ang tuksong ito? "Ay? May paganyan si Mayor, ah. Taray besh!" Sarkastikong wika niya. "Sorry pero yang mga ganyang paandar, di gumagana sa kin." Liar. Kulang na nga lang sumadsad yang panty mo sa lupa sa kilig!

"A simple thank you would do." He said and took the compress from her. Halatang malungkot ang boses nito "Sige na umakyat ka na at tulungan mo na si Nay Ester sa mga kambal."

"Tulog na sila niyan, dedede lang sila ng ganitong oras at makakatulog na." She answered. Somehow, she felt guilt. You should thank him. Kundi dahil sa kanya baka basag na ang bungo ng anak mo. Her conscience dictates. "Halika na, maghahain na ko. Dito ka na maglunch para naman di mo maisip na wala akong utang na loob."

Sanay sa gawaing bahay si Coline. Marunong din itong magluto. But having JC in her house is quite uncomfortable. Sa tanang buhay niya, iisang lalaki lang ang ipinaghain niya at ipinagluto niya. And that was Louie. At ngayong andito ang lalaki, it brings back old memories with her husband.

Into ang unang pagkakataon na may maghain sa kanya at samahan siya sa hapag habang kumakain ng lutong bahay. He must admit, kinakabahan siya. Kanina pa siya nakakasagi at nakakatapon ng kung-anu-ano. Toyo, tibig, sabaw. Pakiramdam niya at nakikipag date siya sa crush niya. He was sweating for Christ's sake! No, this isn't counted as a date. Sh*t. His nerves aren't helping him. Dagdagan pa ng mga tingin ni Coline. God, he's so nervous. She cooks so well that he prefers her cooking than the taste of a fine dining. May kakaiba at natatanging lasa ang luto ni Coline.

"Okay ka lang ba?" Ang kalat namang kumain ng mokong na toIpalinis ko kaya sayo yang kinalat mo?

"Ha? Ah, oo."  Natataranta siya sa bawat titig ni Coline. Hindi niya namalayang nginuya na niya ang sili. Sh*t. She's looking... Calm down, nerves... Aaaarrrgghh.Stupid chili! Saka nito inabot ang tubig. Nasamid pa siya at tumulo ang tubig palabas sa butas ng ilong niya. Sh*t, sh*t, sh*t. Nakakahiya. Sh*t. Naubo pa siya at tumilansik ang isang butil ng kanin.

Napatayo si Coline at hinagod ang likod niya. "Di mo ba nagustuhan?" Bakit kaya into pinagpapawisan? Ganun ba kasama ang lasa ng niluto ko?

"Masarap." Tipid niyang sagot. Nakakahiya. Siguro at turn-off na turn-off na ito sa kanya.

"Anong gusto mo, ipagluluto kita?" Her eyes spell worry.

"Wag na, okay na to--"

"Daddy?" Gulat na wika ng bagong dating na si Lauren.

"Lauren, honey, kumain ka na. He's Tito JC. Mommy's...friend."

"Do you want to hear your Daddy,kid? Come here..."

Lumapit si Lauren at ihinilig ni JC ang tainga ng bata malapit sa puso niya.

"That's your Daddy's heart."

"Talaga po?" Her face expresses amazement as she looked back at her mother as if asking for a verification from her.  Tumango naman so Coline. "I want Tito JC to stay here Mommy. He's got Daddy's heart." Lauren softly spoke and he hugged JC while listening to his heartbeat.

Sweet SurrenderWhere stories live. Discover now