Chapter 1

148 6 0
                                    

First day ng school. Dumb as it seems, si Paris ngayon nasa higaan niya pa din at mahimbing na natutulog. Thirty minutes na lang at time na niyang pumunta ng school.

May kumakatok sa pinto niya pero di pa rin nagigising ang mahal na prinsipe sa kanyang slumber.

Nakaisip tuloy ng magandang ideya yung taong nasa likod ng pintuan na pilit na kumakatok upang magising si Paris.

*splash*

“What the-“ Hindi na naituloy ni Paris ang sasabihin niya nang ilaglag siya sa kama ng auntie niya.

“Auntie! Kailangan talaga ako itulak? At lalo na po. Kailangan talagang buhusan ako ng tubig? Ang aga aga pa po oh, ginsing mo na po agad ako.” Pagsagot ng binata sa kanyang auntie. Pagalit na tono pero nagawa pang mag ‘po’, aba’y nakakahanga naman ito!

Hindi dapat palalampasin nun aunti ang asal ni Paris pero nakarinig siya ng ‘po’ kaya pinalampas niya na at sinabi s binata na “Maligo ka na, ilang minute na lang at malelate ka na, first day ppa naman. Inihanda ko na ang almusal mo. Pagkatapos mo, bumaba ka na para kumain.”

“Auntie.” Nasa labas na ng kwarto ang auntie ng magsalita si Paris

“Bakit?” sagot ng auntie niya sa kanya.

“Nasan si Dad? Sasabay po ba siya kumain?” Tanong ni Paris sa Auntie niya.

Ngunit imbis na sagutin ng auntie niya yung tinanong niya, ang sinagot ng auntie niya “Bilisan mo ng kumilos bata ka, lalamig ang pagkain.” At umalis na.

Naligo at naghanda naman si Paris at minadali ang pagkilos sa takot na baka pingutin ng auntie niya pag di siya nagmdali. Ang ironic lang dahil sa itsura ni Paris ang akala mo ay he doesn’t give a fvck to you, jerk, at playboy ang ugali niya. Yun kasi ang base sa mukha niya. Pero ika nga don’t judge the book by its cover, at looks can fool you.

“Auntie.” Tawag niya sabay halik sa pisngi ng auntie niya, nasa 64 years old na ito, at walang asawa o anak. Nakakatandang pinsan siya ng dad niya, bata pa lang ang dad niya inalagaan din siya nito, kumbaga para bang siya ang nakakatandang kapatid ng ama nito. Dahil dun kaya naman baby-ng baby siya ng auntie niya kahit na binata na ito. May pagka strikto din itong si auntie niya.

“Kumain ka na. Dalian mo na lang iho.” Inabutan niya ng isang basong gatas ang binata.

Nakakatawa dahil kung asikasuhin na lang siya ng auntie niya ay parang bata. Buti na lang nga naman daw sabi ni Paris na walang may alam na bine-baby siya sa bahay, kundi ang kaclose lang niyang kaibigan. Kundi pagkakaisahan siya at aasarin ng ibang mga kaibigan niya.

Pagkatapos kumain ni Paris ay lumabas na siya at nagpunta sa sasakyan niya. First day ngayon ng klase. Pwede naman siyang di pumasok eh, kaso malalagot siya sa auntie niya kapag di siya pumasok. Sangkaterbang pingot aabutin niya ‘don.

Serenading Miss Sungit (ON-GOiNG) TAG-LiSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon