Chapter 22

8.3K 102 2
                                    

Chapter 22

Isang taon na rin ang nakaraan.

Okay naman ako dito sa America. I'm happy and I love living here but I still want the atmosphere in the Philippines. Pero alam mo yun? Kahit gusto kong umuwi sa Pilipinas, natatakot pa rin ako. I'm afraid that my past will haunt me again. Okay na ako e, konti. Pero papunta na doon. I'll just need a little more time.

"Hey, breakfast?" Aya ni Greco.

He's still here for me. Feeling ko nga sobrang pabigat ko na sa kanya dahil siya na ata halos nag asikaso lahat ng problema ko. Pati sa pag-aaral ko, siya na rin ang nag asikaso. Kahit sobrang busy ng schedule niya sa pagmomodel niya nakakahanap pa rin siya ng time para alagaan ako. I'm super blessed for having him.

Sumunod ako sa kanya sa dining room at naamoy ko kaagad ang niluluto niyang pan cake. I swear to God. He's so damn good at cooking. Minsan nga tinanong ko kung pangarap din ba niyang maging isang Chef pero he just answered "nah, model is life."

Nilapag niya iyong pan cake sa harapan ko at ngumiti. "No caramel syrup."

Agad naman akong sumimangot. "Geez, you know that I don't like chocolate syrup." Sabi ko at sumimangot. Siya kasi ang may gusto sa chocolate. I'm not a fan of chocolates.

"Just try it." Then he winked.

I only shrugged and ate the pan cake. Well, not bad. Masarap din pala kapag nagtatry ka ng ibang lasa.

"Happy?" Tanong niya at umupo sa harapan ko. Nagsimula na rin siyang kumain ng pan cake.

I nodded. "I'm always happy."

"But not super happy, right?" He said, emphasizing the word super. Hindi ako nakaimik sa kanya. Tama naman siya. I'm not that happy. May kulang pa rin. "You deactivate your facebook, diba?"

"Yeah, almost one year."

"Try to activate it again. You'll find the answers to your questions."

I pretend not to know what he is talking about. "I don't need that. Besides, I don't have any questions in my head."

I'm just not yet ready.

"Yeah, Icona. Pretend that you're not curious."

"Hindi nga kasi," I said, rolling my eyes.

He just smirked. "Seriously, if you want to move on in the past, try mong alamin kung ano ba talagang nangyari, Icona. I'm sure you'll thank me, after," then he winked. "I'll just take a bath. Want to take a bath with me?"

Namula ako sa sinabi niya. Binato ko siya ng tsinelas na suot ko kaya agad siyang tumakbo palayo sakin. "Pervert!"

"Correction! Handsome pervert!" Sigaw pa niya habang tumatakbo palayo.

Natawa nalang ako sa kalokohan niya at napailing. He's always my happy pill. Ewan ko ba, punong-puno ata ng positivity ang katawan niya.

Kinuha ko iyong gatas na binigay sakin ni Greco at ininom. Pagkatapos kong uminom, napansin kong may nakadikit na sticky note sa baso.

'Check your facebook. Pretty please? :( - Greco.'

I smiled at that note and found myself installing again the facebook app.

She Was BetrayedWhere stories live. Discover now