Chapter 13

6.5K 96 2
                                    

Chapter 13

One month.

One month na ang nakaraan mula nang magkagulo sa pool party at isang buwan na rin akong nakakulong sa kwarto ko at hindi nagpapakita kay Juster. One month na rin na sinusubukan akong kausapin ni Juster pero nagtatago ako dahil hindi ko siya kayang harapin. Nag-umpisa na rin ang klase pero wala pa rin akong balak pumasok.

Hindi ko pa siya kayang makita. Hindi ko siya kayang kausapin o tignan man lang.

Narinig kong may kumatok mula sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko iyon pinansin dahil baka si Greco o Mandy lang nanaman 'yon. Ayokong makipag-usap kahit kanino.

"Icona..." It was Greco behind the door. "Here's your food. May I come in?"

Napatingin ako sa pinto. Kahit pinagtutulakan ko si Greco na wag na akong puntahan palagi pa rin siyang nandyan. I want to thank him for always being there kahit hindi kailangan.

Hindi ako sumagot pero dahan-dahang binuksan ni Greco ang pinto. Bumungad siya sakin na may dala-dalang tray na may nakapatong na pan cakes at fresh milk. Nilapag niya sa harapan ko ang mga pagkain.

"Breakfast in bed?" He said then smiled. I slightly smiled at humiga ulit. Wala akong ganang kumain. "Come on, Icona. Ilang araw ka nang hindi kumakain. Don't kill yourself."

Naiyak nalang ako bigla then sighed heavily. "Ang sakit pa rin..."

Narinig ko rin ang malalim na paghinga niya. "Everything will be okay. But, please... kumain ka na."

I nod then started to eat. Wala pang kalahati ang nakakain ko pero umayaw na kaagad ako. Nahiga ulit ako at umiyak nang umiyak. Huminga ulit nang malalim si Greco at inayos ang pagkain. I heard the door opened. Akala ko aalis na siya pero huminto pa siya.

"Ayokong sabihin 'to sayo pero... give him a chance." At tuluyan na niyang isinara ang pinto.

She Was BetrayedWhere stories live. Discover now