Chapter 4

7.3K 135 7
                                    

Chapter 4

Mabilis natapos ang afternoon class ko dahil may hinahanda silang program para bukas. Buti nalang nga at maaga kaming natapos. Iniisip ko kasi si Mandy na baka naboboring na siyang mag-isa doon sa Condo ko. Pagkatapos i-check ni Juster kanina kung ayos lang si Mandy bumalik na rin siya agad dito sa school dahil may practice pa daw sila ng basketball.

Ito nga at papunta ako sa pinagpapraktisan nila Juster para makapagpaalam na mauuna na ako.

"Klein, where's Juster?" I asked one of Juster's team mate.

"He's there," he said while pointing at Juster who's obviously irritated base on his reaction. Napangiti ako. May katabi kasi siyang babae at halatang kinukulit nanaman siya. Probably, gusto ng babae na maghiwalay kami. Pero wala e, we love each other so much, so much that no one could break us.

"Babe!" tawag ko kay Juster.

Sabay silang lumingon. Agad nawala ang ngiti ng babae at ang lakas pa ng loob para irapan ako. Nginitian ko nalang siya para asarin. Mas lalo pa siyang nabwisit nang makita niyang hinalikan ako sa lips ni Juster.

Huh! Serves you right.

"You'll go home now?" Juster asked. Tumango naman ako as response. "Hatid na kita."

"No need, babe. May practice pa kayo 'diba? I'll just take a cab."

He frowned. "No way, Icona. Ihahatid kita. I want to make sure that you're safe."

"No, itetext ko nalang sayo yung plate number ng sasakyan ko. Don't be paranoid." I assured him.

Huminga siya nang malalim bago ako niyakap at hinalikan sa pisngi. Nagpaalam na kami sa isa't-isa nang tawagin na siya ng Coach nila.

Lumabas na ako ng school at nag-abang ng masasakyan. Nang may huminto sa harap ko na taxi sumakay agad ako at sinabi sa driver ang address ko. I immediately took my phone on my bag para i-text kay Juster ang plate number ng sinasakyan ko. I send it at agad naman na nakatanggap ako ng tawag from him.

"Babe, please give the phone to the driver." Nagtaka naman ako kung bakit pero binigay ko rin naman kay manong. Tinitignan ko si manong kung anong sasabihin niya pero puro opo Sir lang ang narinig ko mula sakanya.

Pagkatapos nilang mag-usap binigay na sakin ni manong yung phone ko. Tinignan ko kung nasa line pa rin si Juster pero pinatay na niya. Tumingin ako kay manong.

"Manong, ano po bang sinabi niya?"

Napangiti si manong sa hindi ko malamang dahilan. "Sobrang mahal po kayo ng nobyo niyo ma'am."

"Paano niyo po nasabi?"

"Patay daw po ako 'pag napahamak ka."

And here I am again, smiling.

She Was BetrayedWhere stories live. Discover now