Prolouge ❤️

767 14 0
                                    

Almost 12 years na pagkakaibigan. Pagkakaibigan na akala namen hindi na kailanman mababago.

Pero mali pala kami. Tila sinusubukan sadya kami ng pagkakataon. Pagkakataong hindi namen alam kung hanggang kailan.

"Sorry guys!" sabe ni Clyde. "Pero wala talaga kaming alam ni Kyle sa idea na to."

"We will try to talk to them..." singit naman ni Kyle. "Tss. Bakit naman kasi sila pa?"

Lahat kami tulala at lutang ang utak sa nalamang balita. Paano na kaya si Ashley at Zinnia? Si Dale at Ivan?

Biglaang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Zander na halatang hingal na hingal sa pagtakbo. "Guys..." lahat kami ay nakaabang sa sasabihin niya. "Si Dale at Ivan...." kakabanggit palang niya ay nagtayuan na kaming lahat. "Nasa rooftop"

"Baka kung saan mapunta ang usapan na yun... kelangan nandoon tayo" sabi naman ni Gio.

"Gio, Luke, Lance, Zander... Tara" pag aya ni Clyde. "Kayo...." tinuro ako, si Stephen, James, Bryan at Kyle. "Maiwan kayo dito, baka bumalik si Ashely."

Wala na ni isa pang nagsalita samen kahit na si Kyle. Naiwan kami dito at ang iba naman ay pinuntahan na si Dale at Ivan sa may rooftop.

Napailing nalang ako sa nangyayari. Hindi ko lubos maisip na pwede palang mangyari sa amin ito, lalo na kay Ivan at Dale na malapit na magkaibigan at kung magturingan ay kapatid.

Sino kaya ang magpaparaya sa kanila? Maibabalik pa kaya nila ang dating samahan? Mabubuo kaya muli kami?

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon