Chapter 19 ❤️

310 12 0
                                    

Baka maging mahaba po ang chapter na ito dahil.....

*BED SCEEN DAW???

*Mag kaka aminan na ng tunay na nararamdam ang Sestal

*Mag aaway ang HunHan

*Final Competition sa MAIS..

*May Birthday Celebration si BRYAN (XIUMIN)

*At ang huling kita nila kay Ashely?????????????????

==================================================================

It's Saturday....

At syempre dahil saturday, alam niyo na kung anong meron. Pero bago pa man ako makatulog kagabi ay tumawag na ako kay Ms. Abby para sabihing hindi ako makaalis ngayong bahay dahil madami akong kaylangang tapusin kahit wala naman. Buti nalang at pumayag siya dahil madami din daw siyang tatrabahuhin sa hotel.

Naligo na ako ng pagkagising. Maaga akong nagising kaya naabutan ko si Kuya Clyde bago umalis kanina. Tumawag daw si Daddy sa kanya kagabi para magreport at mag visit sa hotel ngayong araw. Kasama niya dawsi Zoe. Baka daw after lunch na siya makauwi dahil sa dadaanan pa daw siya sa bahay na pinapagawa ni Daddy. Pasalamat nalang talaga ako at hindi matanong si Kuya Clyde.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng breakfast dahil kanina pang ungot ng ungot si Kyle dahil gutom na siya.

"May bisita ka" sabe nito kaya napalingon ako at nakita ko si Dale. Kaya naman hindi ko namalayan ang niluluto ko. Sa pagkabigla ko sa pagdating niya, nagsala ang hawak ko sa pan. "Aray!!"

Kaagad akong nilapitan ni Dale at kinuha ang kamay ko. Tinignan niya ito bago kumuha ng ice cube sa ref. Kumuha siya ng towel para ibalot sa yelo. Kinuha niya ulit ang kamay ko at nilagay iyon sa may paso.

Kinuha ko yun sa kanya at binawi ang kamay ko. "Ako na" mataray kong sabe. "Bakit ka ba nandito? Wala tayong pupuntahan ngayon. Tumawag na ako kay Ms. Abby"

Lumapit siya sa lutuan at siya na ang nagpatuloy ng niluluto ko. "Kaya nga nandito ako"

Sinubukan kong agawin sa kanya ang laddle. "Ako na dyan.."

"Hindi na" he insisted. "Ayusin mo nalang yung dining area"

Inis akong umalis sa tabi niya at inayos nalang ang dining. Di nagtagal ay natapos na siyang magluto. Nilagay na niya ang lutong pagkain sa dining. Tinawag ko naman si Kyle na busy sa pag gigitara para makapag simula na kaming kumain. At dahil ako ang nagluto si Kyle ang naglinis ng lahat.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ni Dale ng sundan niya ako sa labas ng bahay.

Nilingon ko siya at tinignan ng masama. "Ikaw ang sumagot sa tanong mo." nag cross arm ako. "Bakit ka ba talaga nandito?"

"Hindi mo ba alam?" kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Birthday ni Bryan ngayon. Hindi ka ba pupunta?

Tumakbo ako papunta kusina para tanungin si Kyle. "Oo. Hindi mo alam? Hindi ka ba pupunta?" pabalik na tanong ni Kyle ng tanungin ko siya. "Tulog ka na kasi kagabi kaya hindi ka na naman nasabihan. But you're supposed to know that already. Wag mong sabihin sakeng hindi moalam e halos ilang taong na tayo-tayong nagkakasama"

"Nagtanong lang ako ang dami mona agad nasabe. Sorry ha?" tinalukuran ko na sila at dumiretso sa kwarto.

Doon nalang ako nagstay at nanood ng TV hanggang hapon. Naka ilang movies ako kaya hindi ko napansin na nasa malapit na palang mag 6 ng gabi. Hindi na din kasi ako nakaramdam ng gutom dahil siguro kumakain din ako ng junk foods.

At dahil hindi ko na i-lock ang pinto, biglang pumasok si Yanni kasama si Yoona at Zoe. At mukhang ready na silang pumarty. Samantalang ako nakapambahay lang.

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon