Chapter 45 ❤️

195 9 2
                                    

Red Velvet

Irene - Irene

Yeri - Yeri

Joy - Joy

Wendy - Wendy

Seulgi - Sheena

=============================================================

IVAN POV

"Dude..." nakipag fist to fist saken si Lance ng magkita kami sa bar kung saan ginaganap ang party ng kaibigan niyang taga Trinity. "Hindi daw makakasunod si Zander dahil may pinapagawa daw ang Daddy niya sa kanya."

"E si Bryan?"

"Susubukan daw niya... Pero wag na tayong umasang dadating pa yun." Tumawa si Lance. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa isang couch... Sa tingin ko'y mag isa lamang si Lance dito.

"Mag isa ka lang dito?" tanong ko sa kanya.

"Hindi.. May mga kasama ako dito kanina. Ayun sila ohh. Nag eenjoy sa dance floor."

Tinanggap ko ang bote ng beere na inaabot niya saken. "Tatlo lang kayo dito?"

"Actually, apat kami. Nasa rest room lang si Katniss."

"Katniss?"

"It's me.." napalingon ako sa gawing kaliwa. "I'm Katniss and you're Ivan right?" Umupo siya sa tabi ni Lance. Nakipagkamay siya saken. "Napanood kita noon sa isang soccer game kaya kilala kita."

"Pare kilala niya si Dale.."

Hinampas siya ni Katniss sa balikat. Mukhang tinutukso pa siya ni Lanceng mga tingin. Hindi kaya may gusto ito kay Dale? "Oo.. Kilala ko nga si Dale. Sino ba naman hindi makakakilala kay Dale diba? Everygirl in our school knows him and wants to meet him. Sayang nga lang at may girlfriend na pala siya."

"Girlfriend?" sabay naming tanong ni Lance. Bakit wala kaming alam na may girlfriend siya? "Wala yung girlfriend.. Wala naman siyang sinasabe samen.."

"Baka si Yeri yun at napagkamalan niyo lang.. Diba Ivan?"

"Hindi..." sagot ni Katniss matapos uminom. "Actually sinabi lang ito ng kaibigan ko because she's doing his part time job in a restaurant.. Siya daw ang kumuha ng order ng mga ito. Ang sweet nga daw e at sobrang ganda daw nung babae. Here's the picture..." tinignan namen ni Lance sa cellphone ang sinasabe niyang picture. "Hindi nga lang clear dahil patago daw niya yang kinuhanan..."

Medyo malabo nga ang kuha ng picture pero kitang kita ang mukha ni Dale.. At yung babae? Hindi namen makita dahil nakatalikod ito.

"Ang sabe ng kaibigan ko, nakita daw niya itong lumaban sa  Annual Competition pero hindi daw niya sigurado kung saang school.."

Naging palaisipan saken ang mga sinabe ni Katniss at maging a picture na yun. Sa itsura ng buhok nito mula sa likod, isang babae lang ang pumapasok sa isip ko. Pero imposible....... Imposibleng maging si Ashely yun dahil malimit naman kaming magkasama ni Ashely. Kapag walang pasok, nasa bahay lang siya or di kaya'y nasa bahay ni Nadine.

Nasa Indonesia ngayon si Ashely kasama si Kyle at Sammy.. Nagpaalam siya saken two days bago sila umalis. Biglaan daw yun. Pinayagan ko siya kahit labag sa loob ko. Hindi sa gusto kong sumama pero nakakapagtaka lang kasi dahil hindi mahilig mag out of the country si Kyle and these past few days, napansin ko lang parang ilang din saken si Kyle..

Nang sumunod na araw, binisita ko si Kiera sa bahay na tinutuluyan nila ni Kai. But I was in a wrong time dahil tulog si Kiera kaya naman minabuti ko nalang na pumunta sa bahay nina Ashely para hintayin sila.

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon