3

7 0 0
                                    

Hindi pa rin maka-recover si Zarah. Binitiwan na ni Jeff ang kamay niya, pero ramdam pa rin niya ang init ng palad nito na waring kinukuryente siya.

"Chilaks, Zarah, 'wag ka masyadong obvious na kilig na kilig ka," pinagsabihan niya ang sarili.

Grabe, ang bilis ng pintig ng puso niya. Mabibingi yata siya. Nag-inhale exhale siya nang isang beses para makalma ang puso.

"Ok ka lang ba?" tanong ni Jeff sa kanya. May pag-aalala ang tinig nito.

Marahil, hindi kasi siya umimik pagkatapos nitong magsalita. Kung alam lang nito. Sa bilis ng tibok ng puso niya, hindi na niya magawang makapagsalita.

Iwinagayway niya ang dalawang kamay sa harap sabay sabing, "Ok lang ako, kuya." Kakarecover lang sa pagka-star struck sa 'yo, dugtong ng isip niya.

"Gusto mo ng kape, kuya? Ulit?" Nakatingin siya sa tasa nito.

"Sure," sagot nito sabay ngiti. "Matagal ko na ring hindi natikman ang kape mo. I mean, kapag ipinagtitimpla mo kami ni Papa."

Parang biro 'yun sa kanya, pero kinilig siya. Grabe, ilang beses na ba siyang kinilig sa ilang minutong magkaharap sila.

Pumasok siya sa loob ng bahay at kumuha ng kape sa kusina. Naalala niyang may ilang slice pa ng carrot cake na binake nila kahapon. Kumuha siya ng isang slice at isinerve sa kaniyang bisita.

Pinagmasdan lang niya itong kumain at humigop ng kape.

"Hmm... ikaw ba nagbake nito?"

"Actually, pinagtulungan namin ng mga kaboardmate ko, kuya."

"Ah," tango nito. "Ayaw mo ba akong samahang kumain?"

"Ay, kakbe-break ko lang kanina. Nasa canteen ako nang magtext si Mamang Titay. Salamat," saad niya.

Naunang ubusin nito ang cake at ang kape naman ang hinarap nito.

"I missed this," sabi nito habang humihigop ng kape.

Natuwa siya dahil naaalala pa pala nito ang 'kape' niya. Palagi kasi siyang umiiwas dito noon. Hindi rin sila nag-uusap kung magkaharap man. Lalo na at alam niyang lagi itong haggard sa trabaho. Medyo laging aburido at stressed.

Tulad ngayon, hindi niya alam kung paano magsimula ng topic. Naghihintay lang din siya na mag-open ang binatang amo.

Naubos nito ang kape at inilapag ang tasa sa platito. Nakamasid lang siya dito.

"Wala ka pa ring ipinagbago," aniya nito sa kanya. "Napakatahimik mo pa rin kapag kaharap ako."

Wala siyang maisagot. Kaya ngumiti na lang siya rito.

Paano ba niya sasabihin na nai-intimidate siya rito? Na nao-overwhelme siya sa sex appeal nito. Siguro nga, crush niya ang binatang amo. Noon pa marahil. Malaki na ang paghanga niya rito dahil sa mga nagawa nito sa kanya. Lagi itong naroon sa mga panahong napapahamak siya. Pero hindi niya maamin sa sarili na crush niya ito. Ngunit ngayon, sigurado na siya. Crush niya ito at hindi lang simpleng crush.

"Mabuti naman at hindi ka masyadong nagbago nang dito ka na sa siyudad naninirahan."

"Tulad halimbawa na parang arti-artihan na kunwari? Kikay at mapagmataas?" sagot niya sa binatang amo.

"Umh, siguro... gan'on nga," sang-ayon nito.

Bigla niyang naalala ang kakilala sa Agusan. Kapatid ng classmate niya. Nakapag-aral ito sa Davao City sa pamamagitan ng pagiging working student. Nagtapos at nakapagtrabaho sa isang malaking kompanya sa Davao. Nakapag-asawa ng foreigner. Kaunting ginhawa lang ay nakalimutan na ang pinagmulan. Taas noo kung makarampa sa palengke na parang reyna. Hindi na rin masyadong nakikihalubilo sa mga kapitbahay.

"And I think, mas maganda ka talaga ngayon. At nariyan pa rin ang kasimplehan, typical of you. But I like it," puri nito sa kanya.

Para siyang idinuyan sa alapaap. Kinilig siyang lalo. Hindi niya akalain na pupurihin siya nito. Maganda raw siya. Hindi yata siya makapaniwala na napapansin siya nito noon eh napakalamig nito sa kanya.

Bago siya himatayin sa kilig, nagpaalam siyang magpapalit muna ng damit at maghanda sa kanilang lakad . Nagtimpla siya ulit ng kape para hindi mainip ang binatang bisita.

Nagmadali siyang maligo para fresh siya sa 'una-kunong-date' niya. Hiniram niya ang blower ni Trish, ang kasama niya sa kuwarto. Ito ang naging best friend niya ngayon. Magkasundong-magkasundo sila at napakabait nito. Alam niyang hindi ito katulad ni Nerri, ang akala niyang mabuting bestfriend noong High School pa siya.

Nalito siyang mamili ng susuotin. Nasabi na sa kanya ng binatang amo na simple pa rin siya at gusto nito iyon. Hindi siya makapagdesisyon. Tiningnan niya ang oras, 4:40 na.

20 minutes na ang nakalipas mula ng magpaalam siya sa binatang bisita. Baka naiinip na ito. Naalala niya ang binili ni Cara. Tinitingnan niya ito noong magshopping sila. Sinabi nitong itry niyang i-fit ang damit. Tamang-tama lang sa kanya na para bang ginawa sa sukat niya. At hindi nagpapigil si Cara na bilhin ito kahit tumanggi siya na huwag ng mag-abala.

Kinuha niya ang damit at isinuot. Pinagmasdan niya ang sarili sa harap ng salamin. Isang stripe na brown at may maliliit na black ang napili niya. V-neck ito, hangang siko ang manggas niyon ngunit off shoulder kaya kita ang balikat, likod at medyo litaw din ang cleavage niya. Seven inches ang ikli niyon mula sa kaniyang tuhod kaya litaw din ang mahaba niyang legs. Isang black doll shoes ang itinerno niya dito.

Hindi talaga siya kaputian, ngunit mas lalo naman kuminis ang kutis niya. Pilipinang-Pilipina. Sabayan pa ng height niyang 5'6. Marami ang nag-aaya sa kanya na sumali sa Ms. Teen Philippines o 'di kaya ay Bb. Pilipinas. Ngunit lagi niyang tinatanggihan ang lahat ng agent na lumalapit sa kanya.

Nag-apply siya ng manipis na make-up at nag lip gloss lang. Sinuklay niya ang mahabang buhok at hinayaan niyang nakalugay iyon. Huminga siya ng malalim at nginitian ang sarili sa harap ng salamin.

Mas lalo yata siyang kinabahan. Lagi naman silang magkasama ng binatang amo noon, pero iba na ngayon. Noon kasi, hindi niya iniisip na crush niya ito. Pero ngayon, dalaga na ang puso niya at parang masasabi niyang, nagkakagusto na siya kay Jeff. Ang kaniyang Hero.

Pagbaba niya ng hagdan ang siya namang pagpasok ni Aling Titay mula sa pamamalengke.

"Aba, ang ganda naman ng dalaga ko," puri nito sa kanya. Nakita niya sa mga mata nito ang proudness ng isang ina. Kaya napamahal na talaga ito sa kanya.

Saka lang niya napansin si Jeff sa likuran ng ginang. Bitbit ang grocery bags ni Aling Titay. Sinalubong pala nito ang ginang at tinuloungan sa mga dalahin. Napaka-gentleman talaga nito.

Nakita niya ang paghanga sa mga mata nito. Sa katunayan, para itong natulala sa pagkatitig sa kanya. Tinanguan niya ito at sinabing ready na siya. Saka naman parang nagising ito at mabilis na ipinasok sa kusina ang mga dalahin.

MY HERO: Si Kuya MasungitWhere stories live. Discover now