1

16 0 0
                                    


Nagmadaling bumaba sa jeep si Zarah nang huminto ito sa tapat ng iskinitang tinutuluyan niya. Sumakay siya sa unang padyak sa alley. Puwede naman niyang lakarin ang kaniyang boarding house pero na-curious siya masyado sa text na natanggap niya mula sa kaniyang landlady. Sabi nito, may bisita daw siya, nakakotse. At guwapo pa.

Kaya nagtaka siya. Sino naman kaya ang puwede niya maging bisita na hindi ipaaalam sa kaniya? Wala siyang maisip. Wala naman siyang mayaman o may kayang kapamilya. Wala na rin siyang matatawag na kamag-anak mula ng mangyari sa kanya ang trahedyang iyon. Mabilis siyang naglakad patungo sa gate ng makababa sa padyak.

"Iha," tawag ng padyak driver.

"Opo manong?" blankong tanong niya. Nakaagaw pansin sa kanya ang isang silver na pick up truck. Parang familliar sa kanya.

"Eh, ineng, 'yung bayad mo," kakamot-kamot na paalala ng driver.

OMG! Sigaw ng utak niya.

"Naku, pasensya na po!" bigla siyang napahiya. Binuksan niya ang bag at kumuha ng barya. "Pasensiya na po talaga."

"Ayos lang," ngumiti sa kanya ang driver. "Kilala naman kita."

"Ho?" nagtaka siya. Wala siyang masiyadong kilala dito kahit na mahigit isang taon na siyang naka-board sa lugar, at hindi talaga siya nakikipagclose kahit kanino dahil sa karanasan niya noong dose anyos pa siya.

"Eh, kasi, lagi kang dumadaan sa pilahan ng padyak. Nilalakad mo lang kadalasan itong boarding house ni Aling Titay maliban na lang kung bumabagyo na." kuwento nito.

Ngumiti na lang siya para umikli ang pag-uusap nila. "Pasensiya na po talaga Manong. Nagmamadali po kasi ako, may bisita daw po." inabot niya dito ang limang pisong barya.

"Ah, siya siguro ang may-ari niyan," turo nito sa sasakyang nakaparada limang metro mula sa kanila. "Boyfriend mo?"

"Ho? Wala po akong boyfriend!" mabilis niyang sagot.

"Ganun ba, ako kasi ang napagtanongan niyan kanina. Nagpaturo kung saan ang boarding house ni Aling Titay," ngumiti ito ulit na waring nanunukso sa kanya.

"Manong hah," inirapan niya ang matandang driver. Sa tingin niya ay mabait itong tao. Pero sa ibang bahagi ng utak niya ay isang paalala na huwag siyang magtiwala agad dahil mas halang ang kaluluwa ng may edad na kesa mga teenagers na tulad niya.

"Sige na ineng, baka naghihintay na sa iyo ang bisita mo."

"Maraming salamat po," ngumiti siya bago tumalikod. Binuksan niya ang gate sabay sulyap ulit sa pick-up. Nakakapagtaka pa rin.

Second year college na siya sa kursong Business Adminstration Major in Accounting. Nakakuha siya ng scholarship sa Ateneo de Cagayan, Xavier University sa Cagayan de Oro. Pero tinutulungan pa rin siya ng dating amo at pinapadalhan ng allowance at upa sa boarding house niya.

Kung magagawi naman ang mga ito sa siyudad para mamasyal at magshopping ay tumatawag ang anak ng amo niyang si Cara. Nakatira ang mga ito sa Agusan del Norte at may-ari ng malawak na palayan, niyugan at maisan sa lugar. Kaya nakapagtataka kung sino ang bisita niya ngayon.

(Itutuloy)

MY HERO: Si Kuya MasungitWhere stories live. Discover now