2

13 0 0
                                    


Itinulak ni Zarah ang gate at pumasok. Malawak ang solar ng dalawang palapag na boarding house ni Aling Titay. Tatlong sasakyan ang puwedeng magparking dito.

Biyuda na si Aling Titay at walang anak. Kaya naisipin nitong gawing lady bed spacer ang bahay para magkaroon ng mga kasama. Pina-renovate nito ang second floor at nagpagawa ng dalawang banyo at limang silid na tig-dalawang boarders bawat kuwarto. Sa first floor naman ang silid ng biyuda, maluwang na sala, dining area at kusina. Ang kanang bahagi ng bahay ay ang porch garden na napapalibotan ng ibat-ibang kulay ng bulaklak. Sa gilid nito ay ang rebolto ng Our Lady of Lourdes at may mini fish pond ito sa paanan. Itinuring nitong mga anak ang kaniyang mga boarders.

Pumasok siya ng bahay ngunit wala roon ang bisita niya o si Aling Titay.

"Nasaan kaya sila?" tanong niya sa sarili. "Ah!" bigla niyang naalala ang garden.

Inilapag niya ang bag at libro sa mesita sa sala. Umikot siya sa hagdanan at tinunton ang pintoan para sa hardin. Binuksan niya ang sliding door at nagulat siya kung sino ang naghihintay sa kanya.

"Kuya Jeff!" hindi siya makapaniwala.

"Hello Zarah," bati nito na agad tumayo pagkakita sa kanya. Ngumiti ito at pakiramdam niya ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

"Mabuti naman at nandito ka na. Sigurado akong naiinip na itong kapatid ni Cara dahil isang biyudang matanda lang ang kaniyang kakuwentuhan," saad ng biyuda sa kaniya sabay tawa.

"Naku hindi po Aling Titay. Tulad po ng sabi ni Cara ay napaka-bibo niyo ho," mabilis at magalang na sagot ni Jeff.

Tumawa ulit ang matandang biyuda.

"Naku iho, sabi ko naman sa'yo na Mamang Titay na ang itawag mo sa akin. Tulad ng kapatid mong si Cara at ang asawa nitong si Hobert."

"Kung iyon po ang gusto niyo, eh, ikasasaya ko po," ngumiti si Jeff at tumingin sa kanya.

Bigla naman siyang nahiya at nataranta. Wala ata siyang masabi. Nahihiya talaga siya sa harap ni Jeff.

"O paano, maiwan ko muna kayo at mamamalengke muna ako. Zarah ikaw na ang bahala sa bisita mo," bumaling ito sa kanya bago kinausap ulit si Jeff.

"Ano iho, dito ka ba maghahapunan?"

"Ang totoo ho, ipapaalam ko sana si Zarah para mamasyal at sa labas na rin kami magdidinner."

DATE!? Sigaw ng isip ni Zarah. Totoo ba ang narinig niya? Mamamasyal sila at magdidinner? Di ba parang date na rin iyon? Naisip niya. Hindi pa kasi siya nakakapagdate o nakikipagdate. Parang bigla siyang na-excite. Si Jeff pa ang magiging first date niya!

"Aba, oo naman! Mabuti nga dahil hindi ko pa nakitang nakipagdate itong si Zarah," tukso ng biyuda sa kanya.

"Naku Mamang Titay talaga! Lalabas lang po kami, hindi po magdidate," mabilis niyang correction sa biyuda. Tumingin siya kay Jeff at nakita niyang titig na titig ito sa mukha niya.

"O siya, aalis na ako para makabalik ako agad at makalakad na kayo habang mahaba pa ang oras." ngumiti ito bago pumasok sa loob ng bahay.

Gusto niyang magtaka kung bakit hahayaan siyang mag-isa kasama ni Jeff. Medyo strict kasi ito. Puwedeng dumalaw ang manliligaw ninuman sa kanila ngunit nakabantay ito ng palihim at hindi nagpapahalata. Hangang alas-nueve ey midya lang din ang mga manliligaw nila dahil sinasarado na ang gate pagdating ng alas-dyes.

Alas-kuwatro pa lang ng hapon at alas-siyete ng gabi kadalasan umuuwi ang mga ka-boardmate niya. Kunsabagay, dating amo naman niya si Jeff. Nakatira sila sa isang bubong ng limang taon. Lagi nga lang itong wala dahil maraming inaasikaso sa negosyo at binibisita buwan-buwan ang girlfriend nito na nakatira sa Maynila dahil isang fashion icon at commercial model.

MY HERO: Si Kuya MasungitWhere stories live. Discover now