Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

CHAPTER 3

1.2M 26K 6.6K
                                    

CHAPTER 3

PAGOD NA UMUPO si Iris sa sofa sa salas pagkarating na pagkarating niya sa mansiyon. Galing siya sa Racini's Empire. Napakarami niyang papeles na pinirmahan kaya natagalan siyang makauwi sa bahay.

Trabaho niya 'yon kasi wala naman dito ang asawa niya.

Kanina pa mainit ang ulo niya sa opisina pero dahil tumawag si Andrius para sabihing gising na ang kakambal niya, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

It's been weeks since she left Minnesota. Malapit nang mag-isang buwan. Pero ni anino ni Racini ay wala pa rin siyang makita.

Sabi nito magpapakita ito sa kanya sa loob ng isang buwan. He's playing with her again.

Bakit ba umasa na naman ako?

Pero may kirot sa dibdib niya. Umasa talaga siya at pinaghandaan ang sinabi nitong pagkikita nilang dalawa. Pero mula nang tumawag ito sa kanya ay hindi pa ito tumatawag ulit.

Bumuntonghininga siya at tumayo mula sa pagkakaupo saka akmang aakyat sa hagdan nang pumasok si Pietro sa salas at may inabot sa kanya.

"This arrived two hours ago," anito na bahagyang nakayukod. "E per té, Signorina." It's for you.

Tinanggap niya iyon saka tinungo ang kuwarto niya. Nang makapagpalit ng damit, saka lang niya binigyang pansin ang natanggap na imbitasyon.

She opened the back envelope and an invitation with a black background and reddish gold lettering welcomed her sight.

'You're invited to Temptation Island.'

Binaliktad niya iyon para tingnan ang likod at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pirma na nasa likod ng imbitasyon.

Racini's signature!

She would know. Ilang cheque na rin ang pinadala nito sa kanya na may pirma nito!

Umawang ang labi niya at binasa ulit ang nasa harapan ng imbitasyon.

Temptation Island.

Where the hell was this island?

Mabilis niyang binuksan ang laptop at itinipa sa address bar ang website na nasa likod ng imbitasyon.

Kumunot ang noo niya nang bumukas ang website.

Plain black background, a flaming fire in the middle and below was the username and password.

Wait a minute!

Tiningnan niya ulit ang likod ng imbitasyon at sa ilalim ng pirma ni Racini ay username at password.

There!

Username: IrisRacini

Password: AmoreMio

She blinked. My love?

Hindi niya alam kung bakit napangiti siya.

Mabilis niyang itinipa ang username at password at kaagad na bumulaga sa kanya ang isang napakagandang isla.

Beautiful.

Then her eyes dropped down to 'about the island'.

'Welcome to Temptation Island, where your fantasies become real.

The island is located in Palawan. It is the sought-after exclusive island in the world. A safe, secure and open private space to explore your deepest and darkest fantasies. It is a perfect paradise where your kinkiest and most depraved desires become reality.'

TEMPTATION ISLAND: Desidero Me, Amore MioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon