Phase 41

125K 3.7K 1.5K
                                    

Phase 41
#EFphase41



"Good evening," pormal na pagbati ni Cyprian, nang tanguan siya ng aking ama ay naupo na siya sa aking tabi na tila iyon ang permiso niya.

Hindi ako makapagsalita, ni pagbati sa mga Zobel ay hindi ko nagawa gaya ng parati kong salubong sa kanila tuwing magkakainan na sa hapunan. Hindi ako makapaniwala na makakaharap ko si Carisse Segovia sa gabing ito, masyado akong windang sa presensya niya at ang dami kong iniisip na maari niyang sabihin sa aking pamilya ngayon.

Hindi ko siguro kakayanin kung makakapagsalita siya ng hindi maganda ngayon at baka mawalan na ako ng respeto rito. I won't let her hurt me in front of my father and sister, I won't let her throw me things against my life again. Pero si Prian ang importante, kung gagawin ko iyon ay para narin akong nawalan ng respeto sa kanya, hindi ba? I'm fucking torn now.

Naging tahimik lamang ako nang ibigay na ang aming mga pagkain ng mga serbidora roon, inuunahan ko ang mga kilos ni Cyprian upang hindi akalain ng ina niya na inaalipin ko lang ito. Cyprian was consistently taking care of me the whole time we're having our dinner, hindi naman ako makapagbigay ng konsentrasyon sa pagkain dahil ang puso ko ay kabado sa lahat ng maaring mangyari ngayong gabi.

"What are you thinking?" Cyprian said in a whisper as he wiped the side of my lips using his thumb.

Hindi ako sumagot sa kanya.

Bahagya siyang naglapit ng mukha sa akin upang titigan ang mga mata ko, he looked so serious and frigid while staring straight at me. Umiwas ako ng tingin at kabadong sumulyap sa aking ama, naramdamam ko ang paghugot ng malalim na hininga ni Cyprian sa aking tabi.

Nagtaas ng kilay si Papa sa akin at tipid na ngumiti, kasalukuyang nasa lamesa namin ang pampahimagas ngayon at sigurado akong umpisa na ang kalbaryo ko dahil sa nalalapit na usapan.

"Altair... can we talk about the main reason why I'm here?" Carisse Segovia started in a formal tone.

Cyprian turned to her and just looked at her with straight face.

"We're here to apologize for what you told Inocencia last time you faced her, Ma."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Prian, nilingon ko siya agad pero hindi siya nagsulyap sa akin.

"What?" singhap ni Carisse Segovia. "This isn't what we talked about."

Cyprian sighed and turned to my father this time, he looked at him apologetically. My heart hurt for him. Nagngalit ang panga niya na tila iritado na agad sa apila ng kanyang ina. Pormal lang ang ama ko, si Izabeth at Statice naman ay napabaling kay Carisse Segovia.

"Sir Amadeo, I'm here for Inocencia and I decided to bring my Mom here to fix things in between. I'm sincerely apologizing for what my Mom told your daughter last time they confronted her."

My heart ached. Hindi naman dapat siya ang nagpapaumanhin sa ginawa ng kanyang ina, mas maayos na sa akin na wala akong matanggap mula sa mama niya pero hindi dapat si Cyprian ang manghihingi noon. Wala siyang kasalanan sa akin

Dad chuckled a bit, pormal siyang nagpunas ng table napkin sa labi niya at sumulyap sa akin.

"Juancho Bernaldez mentioned that, wala akong karapatang tumanggap ng pagpapatawad diyan dahil anak ko ang pinagsalitaan at minaliit nila." Papa said formally. "Carisse and Juliana should be the one asking for forgiveness, not you, Cyprian. You've done too much for my daughter. I know your sacrifices for this."

Kumunot ang noo ko, naiintindihan ko ang ilang parte pero hindi ko maintindihan ang ilang parte na malabo para sa akin ngayon. Wala pa akong naririnig mula kay Cyprian tungkol sa kanyang lolo at sa lahat ng pinaggagawa niya habang hindi kami magkasama.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon