Phase 38

92.3K 3.3K 1K
                                    

Phase 38
#EFphase38

Nagpapasalamat ako na hindi ko na naabutan pa ang dalawang babae, pagkabukas ko ng gate ay nabungaran ko ang isang lalaki na nakahilig sa kanyang itim na sasakyan habang hawak ang cellphone sa tainga at may kinakausap. He's a definition of tall, dark and handsome. His chocolate coloured hair is a bit messy, he's wearing a formal dark blue checkered button down shirt, black slacks and a pair of black leather shoes.

Nang maramdaman ang aking paglabas ay tumaas ang isa niyang kilay at tumuwid na.

"She's here..." aniya sa kausap, isang tango lang ay binaba na niya ang cellphone at binulsa.

Tipid na ngumiti ako para sa pagbati, he smiled back and took my backpack from my hold. Mukha naman siyang desente at may tiwala ako kay Statice, based on this man's look. He's harmless and very gentle.

"Good morning, Inocencia... uh, Zobel." pagpapatuloy niya sa kanyang pagbating pormal at binuksan ang pinto para sa akin.

Nilagay niya rin sa likuran ang aking backpack, ngumiti lang ako at tumango sa kanya. Sumakay na ako sa sasakyan, ganoon din siyang umikot para makasakay at magmaneho paalis. I already texted Hilda that I'll be gone for weeks, hindi na ako nakapagpaalam ng personal dahil urgent. Iyon ang dinahilan ko at pintay ko na agad ang cellphone ko para hindi makatanggap ng kahit anong tawag.

Sa kalagitnaan ng pagbiyahe ay tulala lang ako sa labas ng bintana upang tanawin ang bawat madadaanan, hangga't maaari ay ayaw kong isipin ang maiiwan ko rito. Kahit ang mga kaibigan pa o... si Prian. Mas magiging maayos ang paghinga ko kung sarili ko munang mukha ang ililigtas mula sa kahihiyang maiiwan ko rito.

Narinig ko ang pagtunog ng cellphone noong lalaki at nang sagutin iyon ay nakaloud speaker na. Boses ni Statice ang bumasag sa katahimikan.

"Chart... how is she?" pormal na tinig ni Statice.

"She's fine. She's listening." Chart guy chuckled.

"Okay... hey, Cencia." tawag sa akin ni Statice.

"Uhmm?" tugon ko lamang.

"Hindi ka ba natakot sa kasama mo? O nag alangan man lang na sumama?"

Nilingon ko iyong Chart na humalakhak dahil sa sinabi ni Statice, hindi ko sigurado kung nagbibiro ba si Statice o talagang seryoso sa tanong dahil wala naman akong nabakas na humor sa kanyang boses.

"What do you think of me, Atis? Killer? A rapist?"

"A lawyer with a trace of mental illness?" she said humorlessly.

Mas lumakas ang tawa ni Chart. Ewan ko, pero wala namang nakakatawa dahil wala namang kaamor-amor ang boses ni Statice o talagang ganyan siyang magjoke? Patay at blangko?

"Uhuh, and you're a joker without a trace of humor."

"Tss, let me talk to her in peace. Pwede ba, Attorney Chartreuse Campoverde?"

"Ikaw lang naman ang pumapansin sa akin, edi kausapin mo." tawa ni Chart habang nasa daanan ang tingin.

Lihim akong natawa. Nakakatawa kasi, ngayon lang ako nakasaksi ng ganito. Nagbibiro si Statice na walang humor tapos parang uto naman itong Chart na natatawa sa ganoong lagay ng jokes. Paano pa kung ako ang magjojoke? O isa sa mga kaibigan ko? Baka kabagin na siya sa kakatawa. Tss, weirdos.

Hindi na ako nagtaka na mayroong propesyon ang lalaking ito, he look so decent and formal. I thought he was somewhere in the field of business, then I heard that he's a lawyer.

"Cencia, listen..."

"Okay."

She sighed composedly.

Villareal #3: Embracing FireWhere stories live. Discover now