Binuksan ni Leader ang bintana kaya mas nakita ko ang kabuuan niya. Ganoon pa rin ang kaniyang itsura. Nakapikit pero nakangisi. Hawak niya pa rin ang kaniyamg espada na para bang normal na bagay lang ang isang 'yon.

"Dumaan na kayo," aniya sabay lahad ng daanan.

"You okay here?" tanong ni Leader sabay sipat sa mga lalaking hinihintay si Forbid.

"Easy, Leader."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay humalakhak pa si Leader bago umiling. Tinanguan niya si Forbid bago isinara ang bintana at humarurot na papaalis.

I'm starting to doubt if that girl is really blind. Paano niya nalamang si Leader ang nilapitan niya? Paano siya nakalapit sa amin kung ganoon?

Hindi na ako halos nakapagsalita hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.

"I love you," aniya sabay halik sa aking noo. Mabilis siyang lumabas para pagbuksan ako ng pinto.

Nang makalabas ako ay tinitigan ko siya. I can't help but to get worried. Hindi naman siguro siya babalik doon, 'di ba? Ayokong mapahamak si Forbid pero hindi ko kakayanin kung si Leader ang mapapahamak.

I hugged him tight. "Go home straight, please?"

Narinig ko ang kaniyang paghalakhak. He kissed the top of my head. "I will, baby."

Nagtiwala ako sa sinabi niya. Hinayaan ko siyang umalis at kumaway pa ako sa kaniya hanggang sa nawala na sa paningin ko ang imahe ng kaniyang sasakyan.

Kinabukasan ay maganda ang naging gising ko. Text agad ni Jameson at Leader ang bumungad sa akin nang buksan ko ang phone ko. Una kong nireplyan si Leader.

Leader:

Good morning, gorgeous. How was your sleep?

Ako:

Fine. Ikaw?

Sunod kong binuksan ang message ni Jameson na sigurado kong tungkol sa prom para mamaya. Hindi ko pa alam kung paano ko aayusan ang sarili ko mamaya lalo na't wala naman akong alam sa mga ganoon. Hindi naman ako pwedeng humingi ng tulong kay ate Anna kasi pupunta rin siya sa prom kaya magiging mahirap 'yon.

Jameson:

Good morning, Dea. 5pm andiyan na ako. See you later!

Ako:

Good morning din. See you mamaya...

Napabuntong hininga ako. Dumapa ako sa aking higaan dahil nagtext ulit si Leader kaya inabala ko ang sarili ko sa pagsagot sa mga text niya.

Leader:

Hmm... Masakit ang ulo ko.

Ako:

Bakit naman?

Leader:

You're in my mind the whole night, baby. Did you cursed me or I'm just madly in love? Haha.


Napanguso ako. Anong pinagsasabi nito? Hindi naman ako marunong manumpa ng isang tao.


Ako:

Hindi ako marunong manumpa.

Leader:

Can you read the last part of my sentence?


Nabasa ko iyon. Tinanong niya kung in love lang ba talaga siya sa akin. Anong gusto niyang sabihin ko sa kaniya? Nakakahiya naman kasi.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt