Pagmamahal

96 0 0
                                    


Sobrang laking bagay ng pagmamahal para sa ating mga tao.

Masarap magmahal ng taong mahal na mahal ka din pero kung ikaw lang ang nagmamahal sa kanya. Itigil mo na dahil sa huli ikaw lang ang iiyak at masasaktan dahil sa pagmamahal mo.

Minsan yung taong nakilala natin akala natin sila na yung para sa atin pero hindi pa pala.

Masarap magmahal pero marami kang dapat solusyon dahil hindi porket nagmamahal ka ay masaya ito. Kailangan mo ding maranasang masaktan na paulit-ulit kahit hirap na hirap ka na. Pipilitin mo pa din lutasan/solusyunan ang sakit na nararamdaman mo.

Lahat ng tao nang-iiwan. Hindi porket kinaibigan ka/jowain ka hindi ka na iiwan dahil lahat ng tao may expiration date. Hindi nga lang natin alam kung kailan at saan mangyayari ito.

Kung magmamahal ka ng isang lalaki/babae kailangan na alam mong masasaktan ka. Sa pagmamahal kailangang masaktan dahil parte iyon ng pagmamahal mo.

Maraming beses nating kailangang umiyak at masaktan kasi normal lang naman iyon. Kailangang natin masaktan na paulit-ulit para alam natin kung ano ba talaga ang pagmamahal.

Huwag mong iisipin na porket nasaktan ka ay hindi ka na magmamahal ulit. Tandaan mo tanging tadhana lamang ang nakakaalam kung sino ang para sa atin kung ano man ang itsura niya,ugali niya at kung ano pa. Tanggapin mo siya ng buong puso dahil alam ng tadhana na hindi ka niya sasaktan at mamahalin ka niya ng walang hanggang.

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Aug 15, 2018 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Spoken Word PoetryKde žijí příběhy. Začni objevovat