"Ikaw"

217 4 1
                                    

Ikaw, Ikaw lang ang tanging minahal ko.

Ikaw, Ikaw lang ang nagpapasaya sa akin sa araw-araw.

Ikaw, Ikaw ang nag-bigay kulay sa mundo ko.

Ikaw, Ikaw lang ang mundo ko.

Ikaw, Ikaw ang nagpa-pawala ng mga problema ko sa buhay.

Ikaw, Ikaw lang ang minahal ko ng sobra higit pa sa buhay ko.

Ikaw, Ikaw ang dahilan kung bakit palagi akong nakangiti.

Ikaw, Ikaw ang kauna-unahang lalaki na sinagot ko.

Ikaw, Ikaw ang nagpapa-kilig sa akin sa araw-araw.

Ikaw, Ikaw ang palaging nandiyan kapag malungkot ako.

Pero unting-unting nawala ang pagmamahalan natin dahil nahuli ko kayong dalawa na magkasama.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman o gagawin ko.

Susugod ba ako? Hahayaan nlng kayo? Sasaktan ko ba kayo? Iiyak nlng ba ako sa tabi?.

Sobrang sakit na hindi na pala ako yung mahal mo dahil andyan na siya.

Lahat ng saya,kilig, o kung ano ano pa man.Lahat ay nawala napalitan ng sakit,galit,at higit sa lahat lungkot at panghihinayang.

Kahit gusto ko man kayong saktang dalawa hindi ko magawa dahil alam kong masasaktan ka.

Ikaw, Ikaw ang nag-paganda ng buhay ko noon kaso sinira mo lang.

Ikaw, Ikaw ang dahilan kung bakit nararamdaman ko ang sakit,lungkot, at panghihinayang.

Ikaw, Ikaw ang dahilan kung bakit ako nalulungkot araw-araw.

Ikaw, Ikaw lang ang wumasak sa puso kong dating buong-buo.

Ikaw, Ikaw ang may dahilan ng ito.

Ikaw, Ikaw ang dahilan kung bakit ayaw ko nang mabuhay sa mundo.

Ikaw, Ikaw ang dahilan kung bakit nahihirapan ako ng sobra.

Ikaw, Ikaw ang nagpapa-saya sa akin noon at ikaw din ang nagpapa-iyak sa akin ngayon.

Ikaw, Ikaw ang dahilqn kung bakit hindi ako makalimot sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Ikaw, Ikaw ang sumira sa masaya nating pagsasama noon.

Ikaw, Ikaw ang dahilsn kung bakit gusto ko nang mamatay.

Ikaw, Ikaw ang nag-iisang nag-sabi sa akin ng katagang mahal kita at ikaw din ang nagsabi ng di na kita mahal

Ikaw, Ikaw sana maging masaya ka sa pag-iwan mo sa akin.

Ikaw, Ikaw sobrang tanga mo para pakawalan ako sana hindi ka nag-sisi sa desisyon mo.

Unting-unti ko nang natanggap na iniwan mo na talaga ako.

Pinaglaruan lang tayo ng tadhana siguro pinagtagpo lang tayo pero hindi para sa isa't-isa kasi may dadating pa na mas better sayo at kami ang para sa isa't-isa.

Ikaw, Ikaw ang dahilan kung bakit nagpakatatag ako sa buhay.

Na-realize ko lang kasi na hindi ka kawalan at hindi ikaw ang para sa akin, Dahil alam ko na hanggang mag-kaibigan lang tayo.

Salamat, salamat kasi kung hindi mo ako iniwan baka hindi ako naging matatag sa buhay.

Maraming salamat dahil natutunan kong magmahal at masaktan dahil sayo.

Salamat kasi iniwan mo ako, Sana maging masaya tayo sa buhay ng isa't-isa.

'SALAMAT SA LAHAT!'

Paalam.









Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now