"Haligi ng Tahanan"

1.7K 2 1
                                    

Haligi ng Tahanan, sila yung nagtataguyod sa pamilya nila para maging maganda ang buhay.

Lahat gagawin para sa pamilya kahit mahirap kakayanin.

Maraming pangarap para sayo dahil gusto niyang maging maganda ang buhay mo sa hinaharap.

Palaging kang pinapatawa kahit pagod sila galing trabaho.

Andyan sa tabi mo pag-kailangan mo siya.

Masasabihan mo ng mga problema mo dahil alam mong maiintindihan ka niya.

Minsan masungit pero busilak naman ang puso.

Itataguyod kayo kahit nahihirapan na siya.

Kahit madami kayong problema kaya nilang solusyunan.

Natatakot ka kapag may nagawa kang mali dahil papagalitan kanila.

Kung wala sila, wala din tayo sa mundo.

Madami silang nagawa para sayo kaya dapat suklian mo ang lahat ng ginawa nila.

Pag-butihin mo ang pag-aaral mo dahil gusto nilang makatapos ka ng pag-aaral at yun lang ang isusukli mo sa lahat ng ginawa niya.

Kahit hindi mo sabihing mahal na mahal mo siya alam mong nararamdaman niya yun dahil mahal ka din niya.

Sila yung natutuwa ng sobra kapag nalaman nilang ang mga asawa nila ay may baby na sa tyan at ikaw ang ama.

Lahat gagawin nila para sa pamilya dahil mahal na mahal nya kayo.

Unang lalaking minahal mo at walang makakapantay sa pagmamahal mo sa kanya.

Kaya sa lahat ng ama salamat lalong-lalo na sa ama ko kahit hindi ko man sabihin alam kong alam mo na mahal na mahal kita.

TATAY/AMA/DAD/DADDY/LOLO/ERPATS AT IBA PANG MGA TAWAG SALAMAT, SALAMAT SA LAHAT NG PAGHIHIRAP NINYO PARA SA AMIN.

HAPPY FATHER'S DAY SA LAHAT NG AMA MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO.




Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now