"Kaibigan"

89 5 0
                                    

Kaibigan, sila yung andyan kapag may kailangan o problema ka man.

Sila yung maasahan mo sa lahat ng oras.

Sila yung pangalawang pamilya mo.

Kung wala sila hindi siguro kakapal  ngayon ang mahiyain mong mukha noon.

Sila yung sumusuporta sayo kung ano man yung mga ginagawa mo.

Sila yung nagpapatawa sayo palagi.

Sila yung nambuburaot sayo.

Ang turing mo sa kanila parang kapatid mo na.

Kahit hindi man kayo magka-kapatid alam nyo sa sarili nyo na kapatid mo sila dahil naging parte sila ng buhay mo.

Sila yung tutulungan ka kapag napaaway o may gulo ka mang pinasok.

Sila yung aasarin,babatukan,mumurahin ka o kung ano pa man.

Pero kahit ganun ang mga ugali nila mahal na mahal ko sila at masaya ako na nakilala ko sila at naging parte ng buhay ko.

Sila yung mapagkakatiwalaan mo.

Pero sila wala palang tiwala sayo.masakit isipin na hanggang sa paglaki kasama ko sila tapos isang araw malalaman ko nlng na wala silang tiwala sa akin.hindi nila kayang ibigay ang tiwala nila sa akin samantalang ako binigay ko ang tiwala ko sa kanila.

Kung hindi ko nalaman sa iba siguro hanggang ngayon ang tanga-tanga ko pa rin.

Kung noon masaya akong nakilala sila ngayon hindi na nagbago lahat sa mga nalaman ko.

Alam kong yung iba hindi maiintindihan yung pinagdaraanan ko pero sadyang masakit eh.

Wala akong magagawa kung hindi ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Yung iba sinasabi sa akin na ang arte ko naman,hindi porket kaibigan mo pagkakatiwalaan ka o kung ano ano pa man yan.

Pero hindi nila nararamdaman yung sakit na nararamdaman ko.siguro kasi hindi pa nila nararanasan yung ganung pangyayare.wala din naman akong magagawa sa mga pinagsasabi nila dahil alam kong hindi maalis ang sakit na nararamdaman ko.

Sana pinagkatiwalaan nyo ako.

Sana buo pa tayo ngayon.

Sana hindi nlng tayo nakakilala kung masisira lang din pala ang pagkakaibigan natin.

Ang dami kong sana pero alam kong hindi matutupad lahat ng iyo dahil nangyare na.

Nasaktan na ako iniwan pa nila ako sa ere.

Hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap kung bakit hindi nyo binigay sa akin ang tiwala nyo.

Pero salamat na din sa mga pinagsamahan natin.kahit papaano nakasama ko kayo sa mga memorable na pangyayare sa buhay ko.....☺

Spoken Word PoetryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant