Napahinga ako nang malalim. Mas gusto ko na lang sa ganito. Tahimik lang, masaya at malaya akong gawin ang mga bagay na gusto ko. Hindi katulad sa pinanggalingan ko. May naghihigpit sa akin at pinagbabawalan akong makisalamuha sa iba.

Inubos ko na ang fries na kinakain ko at saka uminom ng juice.

Sa sobrang pagod na nararamdaman ko, namimigat na rin ang talukap ng aking mga mata pero nilalabanan ko lang ang antok ko. Nasaan na ba kasi si Paolo? Ang tagal naman niya.

-

"Dara." Narinig kong tawag sa akin ng isang baritonong boses mula sa likuran ko.

Paglingon ko, napatayo ako.

"K-kuya." Napakapit ako sa magkabilang laylayan ng bestida ko.

Sht. Paano niya nalaman kung nasaan ako?

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Dumidilim na at hanggang ngayon, wala pa rin si Paolo. Aish! Nasaan na ba ang lalaking 'yun?! Bakit ba ang tagal niya?!

Napansin ko ang paghakbang ni kuya palapit sa akin dahilan para mapaatras ako.

"H-huwag kang lalapit sa akin." Nahihintakutan kong saad sa kanya, nagmamakaawa na huwag siyang lalapit.

"No, Dara! I miss you so much! Two months are enough without you. It's time to bring you home with our child." Malumanay ngunit ma-awtoridad niyang saad.

Napahawak naman ako sa tiyan ko nang tingnan niya ito.

Hindi! Paano niya nalaman na buntis ako? Hindi niya pwedeng malaman!

"W-what are you talking about?" Pagmamaang-maangan ko. Ayaw kong malaman niya ang tungkol sa bata. Baka gamitin pa niya ito para makuha ako.

"Oh, love. You're seven weeks pregnant. That's what your OB told me awhile ago." He smirked.

Hindi agad ako nakapagsalita. Tila natameme ako dahil sa nalaman kong alam na niya. Sht. Anong gagawin ko?

Sinubukan kong gumalaw pero para bang nabato ako sa kinatatayuan. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala malapit si kuya, at hawak hawak ang braso ko.

"Let's go, love."

Doon ay natauhan ako nang sinimulan niya na akong hatakin. Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak niya.

"Ano ba, kuya?! L-let me go! Ayokong sumama sa'yo!" Patuloy pa rin ako sa pagpumiglas pero mas lalo lang niya akong hindi pinakawalan.

Napatingin ako sa paligid. Ang mga tao dito ay para bang walang pakialam. Si Paolo naman, hanggang ngayon ay wala pa rin. Nasaan na ba 'yung lalaking 'yun?!

Naiiyak na ako sa sitwasyon ko. 'Pag hindi pa siya dumating ay tiyak na maisasama talaga ako ni kuya.

Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko, pero ayaw niya pa rin akong bitiwan. Napatili na lang ako nang binuhat na niya ako ng pa-bridal style.

"Kuya! Ibaba mo ako!" Pinalo-palo ko siya sa dibdib niya. Pero para bang wala lang sa kanya. Mas ako pa nga ang nasaktan dahil sa tigas ng dibdib niya eh.

"Tumigil ka, Dara! Kung ayaw mong mahalikan!" At dahil doon, tumahimik na lang ako.

Ugh. Ang galing din naman niyang mang blackmail eh. Kainis.

Paolo, nasaan ka na ba?!

Ayaw ko talagang sumama kay kuya.

Nakarating na kami sa may pinaradahan niya ng sasakyan niya at doon ay isinakay na niya ako sa passenger seat. Siya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko at sinara na niya ang pinto.

Brother's Obsession [EDITING]Where stories live. Discover now