Bibilisan ko na sana ang paglakad ngunit naramdaman ko ang paghapit ni Xander sa bewang ko.

" Just like that. Ang bilis mo agad makawala sa akin. And I hate it" Ano na naman ba ang ipinuputok ng butsi ng lalaking 'to. Aba'y kanina pa ako nakakahalata.

" Makawala agad? Hindi ba puwedeng excited lang akong makita yung kaibigan ko?" Untag ko sa kanya. He just smirked at me. Sabay na kaming naglakad papunta sa gawi ni Shey. Nang makalapit na kami ay siyang hagilap ko din kay Kelly na sa pagkakaalam ko'y galing ng opisina. Sa loob ng open office ay ang madaming members ng team na napatingin na din sa amin.

" Hi miss Jerry!" Bati ng isa sa kanila na pinaunlakan ko ng isang malawak na ngiti.

Agad na napako ang tingin nila kay Xander. Alam kong pati si Shey ay iba na rin ang kinikilos dahil sa presensha ni Xander. Sino ba naman kase ang hindi kung ganito siya makatingin. Pati mga babaeng kasama namin ay halata kong kinikilig na rin.

" Everyone, I'd like to let you meet my husband, Alexander Montero." Pakilala ko agad sa kanya sabay baling ko sa mga babaeng nasa gilid. Ayokong pinagpepiyestahan ng mga mata nila ang asawa ko. Hindi ko gusto ng ganon. Doon ko lang din napansin na pati pala si Shey ay nakapako lamang ang tingin sa asawa ko. Damn it! Bakit ano ba ang meron kay Xander at sobra nalang kung makatingin ang mga babae sa kanya. Kulang nalang, malaglag na ang mga laway nila sa harapan ko.

Pagkatapos kong ipakilala si Xander ay dumiretso na kami nina Shey sa office. Alam kong marami siyang gustong sabihin sa akin. Isang buwan din naman kase akong nawala kaya tanggap kong marami na din akong kailangang habulin. Ngayon pa't bukas na ang runway.

Sobra ang paghahandang ginawa namin nina Shey. Tumulong na ako pinal na pag-aayos ng nga gagamitin at yung mga designs habang si Xander naman ay prenteng nakaupo lang sa isang bench na animo'y hindi nabobiringan. May binabasa siya sa kanyang laptop ngunit alam kong nakikinig 'yun sa mga pinag-uusapan namin.

" Kamusta na pala kayo ng kaibigan mong si Riel? Pero kaibigan lang nga ba ang turing sa 'yo." Saglit na tanong sa akin ni Shey. May coneksyon parin naman ako kay Riel. We sometimes text each other. Nangungumusta lang. Ang huli ring sabi niya ay ang magkita daw sana kami dahil may gusto siyang sabihin ngunit tumanggi muna akong makipagkita dahil kailangan kong bumalik dito sa Italya. Buti na lamang at naintindihan niya.

" Mabuti naman siya. Ano ka ba Shey. Kaibigan ko lang siya. May asawa na ako. Ayoko pang mag-away kami ni Xander dahil lang dun" Untag ko. Nginitian ako ni Shey ng ngiting ayaw kong makita.

" Alam mo girl. Kailangan mo din namang kausapin ng maayos si Riel. Malay mo kaya pala hindi iyun nag-aasawa ag dahil hinihintay ka niya. Sabi mo nga sa akin noon na tinatanong niya pa kung single ka ba ngunit hindi ka makasagot. O ano na ngayon ang balak mo" Shey asked me. Nagulat na lamang ako ng may ilahad siya sa aking sobre.

It was a letter. From Riel.

Agad ko itong tinago muna. Hindi ko din alam kung bakit ko pinapababa yung boses ko na para bang ayokong marinig niya ang pinag-uusapan namin.

Muli akong napatingin sa gawi ni Xander. From time to time he glances at me. Hindi ko din maiwasang hindi kabahan tuwing naaabutan ko siyang nakatingin sa akin. Iba kase ang dating ng nga tingin. It was like his eyes are always inviting me to his bed. And I hate that feeling.

Nang muling magtagpo ang mga mata namin, nagulat na lamang ako ng biglaan niyang isara ang kanyang laptop at tumayo upang lumapit sa kinatatayuan ko. Dumagundong ang kaba ko. He was smirking while walking towards me. It was just in a blink of an eye when I felt his mighty arm encircled my waist.

The Playboy's Queen (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now