"N-nasaan sya?.."  nahugot ko ang hininga ng mapunta sa likod ko si Axel at tinapat ang kutsilyo sa leeg ko. Pero hindi ako nakaramdam ng takot.

"Kung tutousin kaya kitang patayin ngayon mismo, Dito."bulong nya at sapat na para ako lang ang makarinig "Gusto mo bang malaman ang nangyari sa Supremo? Mahigit isang buwan lang naman syang suspende bilang pagiging Supremo at ngayon isa na lamang syang nilalang na walang kapangyarihan" dumiin ang kutsilyo sa leeg ko"At sa pag babalik nya, haharap sya sa maraming mata at aamin kung nag sasabi ba sya ng totou o hindi, at sa tingin ko aamin sa tungkol sa inyo--at kapag nangyari iyon tuluyan na syang mawawala sa pwesto at ikakamatay nya iyon!" Napaluhod ako ng sipain nya 'ako mula sa likod, pero hindi nag tagal ay napadapa ako ng tapakan nya ko tsaka hinila ang buhok ko at muling bumulong "Kung nais mo syang makaligtas, Lumayo ka na sa kanya.." tila nag eko iyon sa tainga ko at paulit ulit remihistro sa utak ko. Alam kong nakaalis na sila pero hindi ko manlang magawang tumayo.

Lutang na nag lalakad ako papunta sa kung saan.

Hindi kona mapigilan ang pag daloy ng luha saaking mata at hindi iniinda ang malakas na hangin at sinasabayan ng kulog.

Sa aking pag lalakad ay hindi ko pinansin ang marahas na pag hila sakin at dinala ko sa madilim na bahagi. "Xine! What are you doing here! Are you out of your mind!" Tila nag doble doble ang tinig nya sakin. Nakaramdam ako nag pag kahilo at pag sakit ng ulo.

BAAANGG!!!

Isang malakas na putok ng baril ang nag pabalik sakin sa ulirat agad akong lumingon sa pinanggalingan at balak puntahan ng bigla nya akong hilahin palayo at takpan sa bibig. Mula sa malyo nakita ko ang mga nakaputing nilalang habang may hinihilang mga tao.

"Bakit hindi mo sya pinigilan ArkSie!" Narinig kong boses ni Dine.

"I'm sorry okay. Tinulak nya ako at napalakas'yon kaya hanggang ngayon ang sakit ng tagiliran ko" boses ni ArkSie.

Dahan dahan naman akong dumilat tsaka lumingon sa kanila.  Nakita ko sa kanila ang  pag aalala at saya.

"Gosh! Buti nalang nagising ka Xine!" Niyakap agad ako ni Dine kaya tinapik tapik ko naman sya. Bumangon ako at balak mag salita pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.

"Napaos sya" sabi ni Sofia. Tumango ako tsaka sumenyas ng tubig.

Agad naman kumuha ng tubig si Bricks tsaka inabot sakin pero mabilis syang binatukan ni Sofia.

"Letche ka talaga Bricks! Alam mo'ng paos paiinumin mo pa ng malamig" inis na sabi ni Sofia napakamot naman si Bricks tsaka lumabas.

Tinagnan ko naman sila ng 'Ano bang mangyari ' look. Tumabi naman sakin si Sally at hinipo ako sa nuo.

"Sabi ni Lee parang wala ka daw sa sarili habang nag lalakad sa gitna ng daan habang umuulan , tinawag ka nya pero hindi ka tumugon kaya hinila kana nya pero wala ka parin daw sa sarili at balak mo pang puntahan kung saan nag mula ang putok ng baril kanina kaya pwersahan kana nyang hinila kaso bigla kang nawalan ng malay " mahabang paliwanag ni Sally. "Ano ba'ng ginagawa mo sa labas?" Kunot nuo nyang tanong. Bigla naman akong nabalisa ng maalala kong nasa panganib ngayon ang supremo.

"B-bah-kit hindi n-nyo sakin sinabi?" Nahihirapan kong tanong. Sumasakit ang lalamunan ko.

Tila nagulat naman sila. "L-letcheng Bricks ang tagal, Puntahan ko muna."biglang sabi ni Sofia at mabilis lumabas.

Tinignan ko naman sila ng nakikiusap. "X-xine. Sorry , ayaw namin na mag alala ka lalo na sa kundisyon mo ngayon"panimula ni Dine, tinignan ko naman si Lee at nagulat pa ng makitang nakatulog sya habang nakaupo sa pang isahang Sofa. "Maraming nakakita sa inyo ng dalhin ka mag-isa ng Supremo dito, kita sa mata nya ang labis na pag aalala, hinintay nya munang bumuti ang lagay mo bago sya nag paalam samin at sinabing kahit anong mangyari h-hindi namin sasabihin sa iyo kung ano man ang kahihinatnan nito" huminga sya ng malalim"N-nalaman'yon ni Madame Black at nais nyang patalsikin ang Supremo sa pwesto pero maraming nag protesta at hindi pumayag kaya wala silang nagawa kundi ang parusahan nalang ang Supremo ng mahigit isang buwan na  pag baba sa pwesto at paglayo dito. Sa ngayon hindi namin alam kung saan na sya ngayon, Walang nakakaalam kung saan at kailan sya mag papakita" napapikit nalang ako at pinigilan ang emosyon na gusto ng kumawala.

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now