Chapter 14: Suspisions

7 0 0
                                    

Jasper's POV

Kakaiba. Parang nakita ko na ang fighting skill n'ya. Hindi lang ako sigurado.

"Duke? Problem?" Tanong sa aking ni Amethyst.

Umiling na lamang ako.

"I'm going. Tapos na ang laban." Sabi ko.

Ang totoo gusto kong magmadali para masundan si Morta. Iba talaga ang pakiramdam ko sa kanya. And her name, iisa ba sila o nagkataon lamang?

Naabutan ko s'ya sa parking lot na pasakay na sa kanyang kotse kaya tinawag ko s'ya.

"Morta!"

She stops.

"Anong kailangan mo, Duke?" Tanong n'ya ng hindi lumilingon.

So kilala pala n'ya ako.

"Sino ka ba?!" Tanong ko.

Humarap s'ya sa sakin. Stil her mask is on.

"So. The famous Duke, the cassanova is interested in me."

Pinulupot n'ya ang kamay n'ya sa batok ko. I stiffened. God! She smells sweet kahit pawisan at may bahid ng dugo. Fuck! What's happening to me.

Agad kong inalis ang kamay n'ya at tinulak s'ya. Natawa s'ya ng bahagya.

"Show me your face." I commanded.

"You first." She said.

Tumawa s'ya muli kasabay ng kanyang pag-iling. Sasakay na sana s'ya sa kanyang kotse ng hilahin ko ang braso n'ya. Mabilis ang naging kilos n'ya. Nasuntok n'ya ako agad sa sikmura kaya napaatras ako.

"I'm tired, Duke. I don't have time for you." Sabi n'ya saka umalis at pinaharurot ang kotse n'ya.

Tang ina! Ngayon lang ako nasuntok ng babae! Sino ba talaga s'ya?! May araw din 'yang babaeng 'yan!

---

"Ano? Nasaan na ang pinagmamalaki n'yong Chelsea? I heard bumalik na s'ya sa States."

"Nagbabakasyon lang 'yun."

'Yan ang usapang nadatnan ko sa room. Nagbabangayan na naman si Amethyst at Troy.  Kokonti pa lang ang tao dito sa room. Wala pa din si Gian. Ang alam ko hindi s'ya papasok ngayon. Naupo ako sa tabi ng dalawang nagtatalo. Minsan ang sarap nilang pag-untugin. Hindi pa umaming mahal nila ang isa't isa. Pweh! Ang baduy!

Napalingon ang lahat ng bumukas ang pinto. Nakita namin doon si Dane at sa likod n'ya ang nerd na si Yumiko. Ibang-iba ang awra ni Dane ngayon mukhang matapang pero suot pa din ang kanyang eyeglass.

"Kung makaasta akala mo malakas. Natalo lang si Chelsea akala mo kung sino na." Sabi nung isa naming kaklase.

Lumakad si Dane palapit sa babaeng nagsalita. Mas matangkad s'ya kumpara dun sa isa.

"What. did. you. say?" Mahina pero mariing tanong ni Dane.

"Sabi ko feelingera ka! Talunan!" Sabi nito.

Nagulat ang lahat ng hawakan ni Dane anng kuwelyo ng babae at hinila palabas sa ng room.

"Dane! Stop! Don't!" Suway sa kanya ni Yumiko.

Pahagis na binitawan n'ya ang babae kaya napaupo ito sa sahig.

"Now, tell me. Sinong talunan?" Malamig na wika nito.

Hindi na ako nakapagpigil. Lumapit na ako sa kanila.

"Stop it!" I said.

Agad na tumayo ang babae at tumakbo sa likod ko. Kami na ngayon ang magkaharap ni Dane.

"Ms. Torrres, may I remind you na transferee ka lang dito. Ikaw ang dayo. You don't have the right to do that. Baka hindi mo kilala kung gaano kayaman at makapangyarihan ang mga nag-aaral dito. Baka magulat ka na lang bigla pinapapatay ka na." I said.

"Baka ikaw ang magulat Mr. Aquino kapag pina background check mo ako. Anak ka lang ng presidente. Ako? Anak ni kamatayan."

Napasinghap ang lahat ng nasa paligid namin. How did she know na anak ako ng presidente? Napatingin ako kay Amethyst at agad itong umiling sa akin. Nagsimula namang magbulungan ang mga nakarinig.

"Oopsss. Nadulas." Sabi n'ya bago bumalik sa loob ng room.

"SHUT UP!!!" Sigaw ko.

Tumahimik ang lahat saka ako umalis.

Nagdiretso ako sa rooftop ng aming building.

"GET OUT!!!" Sigaw ko sa mga nagiinuman dito.

They imediately leave the rooftop and ahut the door.

I get my phone from my pocket saka nagdial. Isang ring palang may sumagot na.

"Yes, sir?"

"Dane Torres. I need every information about her. Wala kang ititira kahit maliit na detalye. Naiintindihan mo?!"

"I'll do it immediately, sir."

Then I hanged up.

"What happened there, Jas?" si Amethyst.

"Why are you asking me? Hindi ba dapat ako ang magtanong sa iyo? You're befriending her. You told her that we're the president's children!"

"I did not, okay? No one knows we are - - - except Gian and Troy."

"Come on, twins. Hindi kayo dapat ang nag-aaway. Kung hindi sinabi sa kanya ni Amethyst, hindi ba parang kahina-hinala na yang si Torres?" Troy butted in.

"So, what are you suggesting then?" Amethyst asked.

"Well, I already told you that she's not trustworthy. Maybe we should investigate." Troy said.

"We should tell Gian. I guess he doesn't trust her either." pagtatapos ko.

"Wait! Let's not tell him. Kilala natin s'ya. He tortures people. Siguradong 'yun ang gagawin n' ya kay Dane." nag-aalalang sabi ni Amethyst.

"Why are you concern about her?! Our privacy is at risk! Hindi mo ba naisip na makakasira sa image ng family natin ito?! Kapag nalaman ng mga taong dito tayo nag-aaral?! Gusto mo bang ipatapon tayo ni Dad sa Amerika?!!"

"Stop shouting me, okay?! Ayaw ko lang naman ng gulo. Fine! Let's investigate but we will not tell Gian about this."

Napatango na lamang ako sa sinabi ni Amethyst. Tutal ayoko na ring humaba ang usapan.

"By the way, you guys should explain to the student body. Usapan ng kayo ang anak ng presidente." Singit ni Troy.

Matapos ang usapan namin ay nagdiretso kami agad sa audio room ng school. Ayaw na sana naming mag-explain pero nagkakagulo na ang ibang estudyante pagkababa namin galing rooftop.

"Greetings everyone! This is Jasper Aquino from engineering department. I just want to clarify some issues. First, stop talking about us. We're not celebrities. Second, enough spreading what you've heard a while ago from one of my classmates. Last but. Not the least, me and Amethyst is not the children of the President. Yes, it will be our honor but we are not. Isang malaking kahihiyan para sa presidente na madawit ang pangalan n'ya sa amin. So stop gossiping. Thank you, and have a good a day!"

Paglabas namin ng audio room nag-sorry ang ibang nakakasalubong namin. Meron din namang natatakot at 'di makatingin sa amin. Nagpaalam si Troy na pupuntang cafeteria, sa CR naman si Amethyst.

KRING KRIIIIINGGGGG..

Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Dad?"

"What happened, Jasper?" Mahina pero madiing tanong n' ya

"Don't worry now, Dad. I already fixed it."

"Be sure or else ililipat ko kayo ng school agad sa Amerika. Let's talk again later."

Agad n'yang pinatay ang tawag. Tsk! Ang bilis talaga makabalita ni Dad.

Napalingon ako sa malaking puno na nasa tapat ng department namin. Doon nakita ko sa taas ng puno si Torres, nakatingin habang nakangisi sa akin. Tsk! Humanda kang babae ka! Aalamin ko ang tungkol sa' yo hanggang sa huling hininga ko!!

DEATH: The Assassin PrincessWhere stories live. Discover now