Chapter 8: Scythe (Part 2)

95 2 1
                                    

Yumiko's POV

Naglalakad ako papunta sa bahay ng biglang mag-ring ang phone ko. Tiningnan ko agad ang kung sino ang caller.

Lolo calling...

I answered the call immediately.

"Sofu, naze denwa shimashita ka?" Tanong ko. (Lolo, bakit po kayo napatawag?) 

  "Anata wa, kanojo no watashi no aisuru o mitsukemashita ka?" Balik tanong naman n'ya sa akin. (Nahanap mo na ba s'ya, apo?) 

"Imadani. Shikashi, watashi wa kanojo ga chōdo kono ataridearu to kanjite imasu." Sagot ko kay Lolo. (Hindi pa po, pero nararamdaman kong andito lang s'ya sa malapit.) 

"Kanojo o mitsukeru tame ni saizen o tameshite mite kudasai. Itsumo mago o chūi shite kudasai." Huling sinabi ni lolo bago n'ya i-end ang call. (Gawin mo lahat para mahanap s'ya. Mag-ingat ka lagi, apo." 

(A/N: Pasingit lang po. I'm not sure po kung tama ang translation ng words sa Japanese. Google translate lang po kasi 'yan. 'Yun lang po. Enjoy reading!)

Matapos ang usapan namin ng lolo ko ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Malapit na ako sa pier ng marinig kong parang may nagkakagulong mga tao. 

"Sa taas!" 

 Narinig kong may sumigaw kaya napatingin ako sa taas ng isang andonadong building. May nakita akong silhouette ng isang tao. Naglakad pa ako para mapatapat ako sa abandonadong building at nagtago sa likod ng mga drum. Andito ako sa likod na parte ng building kaya hindi ko alam ang nangyayari sa harapan. Narinig kong nag-alisan na ang mga sasakyan at biglang tumahimik ang paligid ng may narinig akong putok ng baril. Maya-maya pa ay may nakita akong tao na bumagsak mula sa itaas. Buti na lamang at nakatali s'ya at may mga nakatambak na basura sa binagsakan n'ya. Kundi, lasog-lasog ang kanyang katawan. 

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nakita ko ang mahabang buhok n'ya. Kumpirmadong babae s'ya. 

"Miss. Miss, gising." Sabi ko sa kanya.

"Uhh---" Ungol n'ya. 

Hinawakan ko ang balikat n'ya. 

"Do--don't y--you dare t--touch m--me." Hirapan n'yang sabi. 

 Kahit nahihirapan ay pinilit n'yang tumayo. Hawak n'ya ang tagiliran ng bewang n'ya at napansin kong nagdudugo ito. S'ya yata ang nabaril. Nang makatayo na s'ya n tuluyan sinubukan n'yang humakbang pero napaluhod ulit s'ya. Medyo humawi ang buhok n'yang nakatakip sa likod n'ya, parang may nakita ako sa itaas na parte ng likod n'ya. Is that a tattoo?? 

"Fuck!" 

 Nagulat ako ng sumigaw s'ya at tuluyan na s'yang natumba. Napansin kong hindi na s'ya gumagalaw pero humihinga pa s'ya. Nilapitan ko s'ya at hinawakan, hindi s'ya nagreklamo kaya itinayo ko s'ya inalalayan papunta sa bahay. Patuloy pa rin sa pagdugo ang sugat n'ya. 

Nang makarating ako sa bahay ay agad ko itong binuksan at dinala s'ya sa kwarto. Sa totoo lang, hindi naman talaga dito ang bahay ko. Sa condo ako nakatira malapit sa school namin, 'yun nga lang, karamihan sa mga importanteng gamit ko ay nandito. 

Inihiga ko na s'ya sa kama saka inihanda ang mga gamit ko. Tinanggal ko ng tuluyan ang dmit n'ya. Tatanggalin ko na rin sana ang mask n'ya ng may humawak sa kamay ko. 

"Don't." Sabi n'ya. 

Nagulat man ay sinunod ko s'ya. Agad kong kinuha ang syringe at ang anestesya saka ko tinurok sa kanya. Ilang minuto lang ay sinimulan ko ng tanggalin ang bala na bumaon sa kanya.

DEATH: The Assassin PrincessWhere stories live. Discover now