Kabanata 15: Manliligaw

Start from the beginning
                                    

***

Dumating ang exam week. Finals. Kahit 'yung pinakamalolokong mga kaklase, humihinto muna sa kalokohan para mag-focus.

     Mag-isa na lang ulit ako sa bahay. Umalis na sina Mama at si Lola naman, sinundo na ni Tita Jovie.

     'Pwede ba kitang ihatid sa school ngayon? May sasabihin lang din sana 'ko.' Text ni Chase. Nakuha niya kay Era 'yung number ko.

     Medyo kinabahan man, huminga ako nang malalim, sige.

     'Okay!'

     Maliit na bag lang ang dala ko dahil exams. 'Yung bag na ibinigay sa 'kin ni Lola noong nagpunta ako sa bahay nila Tita Jovie. Maganda talagang pipili si Lola ng mga bagay.

     Nang nakagayak na, lumabas na 'ko ng gate at inasahan na nando'n na nga si Chase. Iniabot niya sa 'kin ang isang helmet habang sinuot naman niya ang kanya.

     Patagilid akong umupo dahil naka-skirt. Strict kasi sa school uniform lalo na at exam. Humawak ako sa balikat niya pero ibinaba niya ang kamay ko papunta sa bewang niya.

     "Ano 'yan?" pang-aasar ko at ibinalik sa dati ang hawak.

     Natawa naman siya pero akala mo nabigo. "Para mas safe, pero sige 'di ko na lang bibilisan," sabi niya saka pinaandar na 'yung motorbike.

     It was a quiet but peaceful ride. In-appreciate ko lang 'yung pagtingin sa mga nadadaanan namin. Lalo na 'yung maraming puno.

     Nang makarating sa labas ng university, huminto na at tinanggal ko na 'yung helmet. Siya rin. Hinayaan ko siya nang makitang mukhang ihahatid niya 'ko hanggang gate siguro.

     Hindi ako nagsalita, naghintay lang muna sa sasabihin niya. Nakatingin siya sa 'kin hanggang sa ilang sandali, huminga nang malalim.

     "Exam niyo ngayon. Mas mabuti sigurong bukas ko na sabihin. Hindi ko alam ang magiging reaksyon mo, pero ayokong ma-distract ka kung sakali," sabi niya at ngumiti nang magaan.

     Ngumisi ako. "Tss. Nakaka-curious pero sige. Salamat pala sa paghatid," sabi ko.

     "You're welcome," sabi niya at astig na sumaludo. Lalo akong napangisi. Kumaway na 'ko at naglakad palayo.

     Lumingon ako ilang sandali at nakita siya na nakatingin pa rin sa 'kin. Is this good? Getting my hopes up?

     "Hey, kumusta weekends? Kumpleto kayo," bungad ni Era.

     "Awesome," sagot ko at kumindat. "Nga pala, halos maiyak ako sa bukod na regalo mo."

     Napangisi siya saka ako siniko. "Galing ko 'di ba?"

     Magaling siya sa photoshop kaya nag-edit siya ng picture na naging magkatabi kami ni Deadpool.

     "Halimaw ka," sagot ko saka mabagal na pumalakpak.

     "Ano pa iba mong na-receive na regalo?"

     Bukod sa binigay ni Chase, nag-isip ako at naalala 'yung regalo nina Kuya at Ate. Naghati sila sa pagbili.

     Inilabas ko 'yon mula sa bulsa ng uniform at ipinakita sa kanya.

     "Woah! Packing tape congrats!" natatawa niyang sabi.

     Natawa na lang din ako habang tinitignan niya 'yung touch-screen phone ko.

     "Teka teka tama ba 'tong nakikita ko," bungad ni Fernando pagkadating. Katabi niya si Edward na nanlalaki rin ang bibig sa pagkamangha.

Just TodayWhere stories live. Discover now