"Bakit ka uneasy? Para namang wala tayong pinagsamahan niyan e." sabi niya at naupo sa tabi ko, jusko don't tell me siya ang magtatanong sa akin?


Tiningnan ko si Mela ng may buong pag-aalinlangan sa mukha ko, ganito ba nafeel niya kanina habang kausap ex niya? It's been 5 months since we broke up, hindi pa rin ako comfortable kapag nandyan siya. Mela mouthed kaya mo yana kaya napapikit ako ng mariin saka dahan dahang lumingon kay Rad. Sasamain talaga sakin itong si Mela mamaya.


"Roll na tayo."

"So for our next segment, may special guest tayo." nagdrum roll pa siya. "Chaarrraaan. The Queen Tamaraw." pakilala niya kay Rad.

"Hello Mela, hello din sa viewers." sabay kaway ni Rad.

"So itong segment na ito is Anong Tunay, may mini lie detector test tayo to know kung nagsasabi ba ng totoo ang kausap natin."

"Ay ganun? Parang masakit 'to ah." natatawang sabi ni Rad, kung nakita niya lang reaksyon ni Panaga kanina ay baka magbackout din siya.

"Wag kang mag-alala dahil ikaw ang magtatanong sa aking super gandang friend na si.Tentenenen, Mika Reyes. Palakpakan naman dyan!"


Kumaway ako awkwardly at tumingin sa camera na parang humihingi ng tulong, ayoko na po dito please. Tinuruan naman ni Mela si Rad kung paano gamitin yung mini lie detector test.


"Heto na ang mga itatanong mo kay Mika ate Buday, hoy partner wag kang magsisinungaling kung ayaw mo masaktan." she even gestured I'm watching you.

"Wag na po kayo magtaka kung after nito ay hindi na kami magkaibigan ni Mela." sabi ko at tumawa.

"Oh game na, Ano ba naman yan Yeye napakaingay." natatawang sabi ni Rad at hinawakan ang kamay ko para ilagay na sa lie detector.

Shet yung kamay niya.

"Question no. 1, ready ka na ba?" tanong niya kaya umiling ako ng sobra na parang tanga kaya natawa nanaman sila. "Mukha ngang hindi pero wala ka ng magagawa." tumawa pa siya. "Oh ito na, Masaya ka ba sa buhay mo ngayon? Anong Tunay?!"


Her eyes turned into a serious one pero bigla ding nagshift iyon.


"Oo." sagot ko sa kanya. "Oh my ghad ito na. Ahh ayoko na."

"Wag ka magulo!" binatukan pa ako ni Rad at pinindot na ang lie detector.

"Oww shit!" nasabi ko dahil nakuryente ako.

"Hahaha! Boo! Di ka pala masaya e!" hiyaw ni Mela.

"So explain, bakit hindi ka masaya?"

Nagmakeface ako kay Rad. "Masaya ako, siguro may kulang lang." tiningnan ko siya ng mata sa mata at binatukan ako nito bago tumawa.

"Next, masaya ka ba na lumipat ka sa Petron? Anong tunay?"

"Yes." agad kong sagot.


Tiningnan naman niya ako ng maloko nang pindutin niya ang lie detector. Hindi naman ako nakuryente kaya safe na ako. Pinaexplain naman niya bakit, sabi ko masaya ako dahil nag-improve ako pero nalulungkot din kasi F2 isn't just a club, they were my La Sallian friends, they were my 2nd family na din.


"Okay bago ka pa maiyak dyan, third question." tumawa naman siya bigla at tumingin kay Mela. "Huy bakit may ganito?"

Beauty and HarotsWhere stories live. Discover now