17: Starting Over

3.3K 76 1
                                    

“Aalis ka na ba talaga anak? Hindi ba talaga pwedeng for good ka na lang dito?” kanina pa ako tinatanong ni mama niyan, pero iisa pa din naman ang sagot ko. Hindi.

“Ma, I have my work there. At ang paalam ko lang ay 1 week lang akong mawawala kaya ako pinayagan ng boss ko. We have a contract, at hindi ako pwedeng umalis ng basta basta unless matapos ang contract namin. Sana po maintindihan niyo yun.” Nginitian ko na lang si mama para hindi naman sumama yung loob niya sa akin.

“Oo nga naman kasi mahal, hayaan mo na yang si Kathryn at malaki na yan.” Singit ni papa sa usapan namin at  inakbayan niya naman si mama.

“Eh kasi naman mahal, ni hindi man lang nag paparamdam itong anak mo sa atin. E namiss ko din naman to no. Kahit naman makulit yan at nakaka inis.” natawa kami dahil parang bata si mama kung mag tampo, “Sige lang. Tawa pa kayo.”

“Mama talaga o.” niyakap ko si mama, nanlalambing lang. “Tatawag tawagan ko po kayo pag hindi ako busy dun, promise yan ma.” I smiled at her in assurance.

“Mamaya hindi mo na naman tuparin yan ha. Nako Kathryn, magagalit na talaga ako sayo anak pag di mo tinupad yang pangako mo.”

Tumawa ako, “Opo ma. Promise.” Niyakap ko siya, “Mamimiss ko po kayo.”

“Mamimiss din kita anak.” Niyakap naman niya ako pabalik.

“Talaga bang ayaw mong ihatid ka namin sa airport Kathryn?” tanong ni papa sa akin. Bumitaw muna ako sa yakap bago sumagot kay papa.

“Di na po pa. Baka maiyak pa ko dun. Di pa ako matuloy.” Sagot ko sabay tawa. Iniiwasan ko na kasing umiyak ngayon. “Paki sabi na lang po kay Francesca na umalis na ako. Tulog pa po kasi, ayaw ko namang gisingin at napuyat kaming dalawa kaka kwentuhan.”

“Halata nga eh. Saka naririnig ko ang mga boses niyo kagabi.” Biro ni papa sa akin. “Talagang nag bonding kayong dalawa ah.”

“Oo nga po pa eh. Minsan na lang kasi to nang yayari.” Tumango naman siya, “Pano pa, alis na po ako.” nakikita ko na kasi si manang jing na papasok ng bahay. Siya kasi ang tumawag ng taxi.

“Iha, meron na yung taxi.” Sabi ni manang jing kaya tumango lang ako.

“Salamat po manang. Mag iingat po kayo dito.” Ngumiti naman ito at tumango. “O sya! Aalis na ako bago pa tayo magka iyakan ditong lahat. Bye ma, pa. Skype na lang po.”

***

“Welcome back! Kamusta Pinas?” bati sa akin ni Krane. Siya kasi ang sumundo sa akin dito sa airport pagka dating ko dito sa New York.

“Ayon, ayos naman. Ganun pa din. Polluted air.” Nilapitan ko naman siya at niyakap, ganun din siya. “Na miss kita Krane! Loko ka kasi eh! Pinaalis mo ko dito eh.” honestly, may konting pag tatampo pa din talaga ako sa kanya.

Tumawa naman siya, “Pag hindi ko ginawa yun, o edi hindi mo nakita ang family mo. Ikaw talaga.”

“Sabi ko nga.” I laughed, “Let’s go. Did you cooked?” tanong ko sabay hawak sa tummy ko na ang ibig sabihin ay nagugutom na ako.

Mukhang nakuha naman niya agad kasi tumango siya sa akin, “Alam ko namang patay gutom ka eh. Kaya nag luto na ako para pag dating mo ay kakain ka na lang.”

His ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon