21: Wedding Plan

3K 69 3
                                    

“Oh my God! You’re here again! Oh my oh my!!” tili niya. Napa iling na lang ako at napa tawa sa kabaliwan ng kapatid ko. Sukat ba namang magsisi-sigaw sa gate.

“Kapatid, huminahon ka nga. Kala mo naman kung nirerape ka diyan.” Buti na lang talaga at walang napapa daan dito ngayon. “Di mo ba kami papapasukin?” ang naka ngiti kong saad.

“Oh that! Siyempre naman no. Tuloy kayo.” Tumingin siya sa likuran ko kung saan naka tayo si Krane, “Hi Krane!” sabay kaway pa. Loka talaga.

Tuluyan na kaming pumasok sa loob ng bahay. Napansin ko lang, “Wala sina mama?” hindi man lang kasi kami sinalubong.

“Umalis. May date ata sila ni papa,” umirap ito. “Nakaka asar nga eh. Hindi man lang ako sinama. Pumunta silang Tagaytay.”

Natawa ako dahil sa ka engotan ng kapatid ko. “Date nga diba? Bakit ka isasama. Talaga to.” Nilingon ko naman si Krane, “Ibaba mo na lang diyan yang mga gamit. Sina ate Ligaya na mag aakyat niyan sa kwarto. Mukhang nag mamadali ka ata eh.” I smiled sincerely, “Oras ka uwi?”

“Hoy! Kayo ha. Umamin nga kayo sa akin! May namamagitan ba sa inyong dalawa?” ang ma intrigang tanong ni Francesca sa amin.

Inirapan ko naman siya, “Baliw, wala no. Utak mo, masyadong malisosyo.”

“Maganda naman.”

“Yeah, whatever.” I rolled my eyes and looked back once again at Krane, “Hoy, oras ka uwi?” ulit ko sa tanong ko kanina. Kinakalikot na naman kasi niya yung phone niya.

“Huh?” ang gulat na tanong nito, “Ewan ko. Saglit lang ata ako dun. Balik din ako agad.” Tumango na lang ako, “Una na ako.” Tinignan niya si Francesca, “Tignan mo tong isang to, baka tumakas yan pabalik ng New York.” Sabi nito at tinanguan pa si Francesca.

Duh? Makaka takas pa ba ako kung meron si Francesca dito. As if naman. Baka hindi na ako pabalikin niyan sa New York no.

Pagka alis ni Krane, umupo na ako sa sofa. Medyo napagod kasi ako. Mamaya na siguro ako pupunta sa taas. Dito na lang muna ako.

Umupo si Francesca sa tabi ko, “Biglaan ata uwi mo. Anong meron?”

“Trabaho.” I sighed, “May nagpapa gawa daw ng design ng wedding gown. Since isa naman daw ako sa magagaling sa kumpanya, ako na lang ang inutusan. Saka, taga dito lang din naman daw ako.” Nag kibitz balikat na lang ako.

“Kilala mo kung sino?” umiling lang ako, “Eh papano ka naman makikipag kita kung hindi mo naman pala kilala? Ano, huhulaan mo lang kung sino ganon?”

Umayos ako ng upo dahil paniguradong hindi ako titigilan nitong si Francesca sa kakatanong. Hindi rin naman ako makapag pahinga ng maayos.

“Magtetext na lang daw or tatawagan ako. Ibinigay ata number ko dun sa kung sinoman siya.” Tumango tango naman si Francesca sa akin. “Taas muna ako, inaantok ako eh.”

“O sige na nga. Tara mall later or tomorrow ha? We need to have a girl talk. Hihi” tinanguan ko na lang siya at umakyat na din ako sa taas.

Welcome home, Kathryn.

***

* riiiiing riiiiing *

His ForeverWhere stories live. Discover now