35: I Will

3.5K 87 6
                                    

 "Aalis ka pa ba talaga?" ani Julia, kasama niya ito ngayon sa kanyang kwarto habang nag-aayos siya ng mga gamit niya sa maleta. "Di ka na ba mapipigil?" inihinto ko sandali ang ginagawa ko at tinignan si Julia.

"Juls, may trabaho akong naiwan sa New York. Di pwedeng basta basta akong mag resign. It takes time." ang pilit kong pagpapaintindi sa kanya. Kahit kasi anong sabihin ko eh parang hindi niya maintindihan ang pag alis ko.

"Pero kakabati pa lang natin eh. Gusto naman muna kitang maka bonding, like we used to." yumuko ito, siguro nga ay tulad ko, gusto din niyang punan ang mga taon na nawala sa amin.

Hinawakan ko ang mga kamay niya, "Juls, saglit lang naman to. Promise, di ako magtatagal." binigyan ko siya ng assurance. Tutal balak ko na din namang dito na lang ipagpatuloy ang career ko, "At ikaw pa ang unang makakaalam kung uuwi na ako."

"Wow ha, siya lang?" sabay kaming napalingon sa biglang sumingit sa usapan namin, "Paano naman ang kapatid?" sabay taas ng kilay nito.

Natawa na lang ako sa reaction nito, "Nu ka ba sis, okay lang yan. Ikaw naman ang pangalawa." biro ko sa kanya.

"Hmp. Pinagpapalit mo na ako diyan sa bestfriend mo? Nako ha." ang kunwari ay nagtatampong sagot ni Francesca. Ewan ko ba dito, bagay talaga ang pag aartista sa kanya. Masyadong madrama eh.

"Lika nga dito," lumapit naman si Francesca, "Ikaw rin," sabay hila ko kay Julia patayo. "Mamimiss ko kayong dalawa!" pareho ko silang niyakap ng mahigpit. Dalawang baliw na babae sa buhay ko sa ngayon. Who says I need boyfriend?

Lalo na kung hindi rin naman siya ang magiging kapartner ko? 

"Gaga, saglit ka lang namang mawawala kala mo naman kung di ka na babalik." pang aasar ni Francesca, "Tama na nga drama. Naiiyak ako!" baliw talaga tong kapatid ko. Hay, buti na lang talaga at napagtiyagaan siya ni Quen.

"Ako rin!" pagsangayon ni Julia.

Nagbitaw kami sa yakap, at tinulungan na nila ako sa pag eempake ng mga gamit na dadalhin ko sa New York. Balak ko na talagang mag resign. Gusto kong makasama ulit itong dalawang baliw na babae na to.

***

"Nakahanda na ba lahat ng mga gamit mo? Wala ka ng naiwan?" ani Francesca. "Baka naman may nakalimutan ka ha. Ayokong ipadala yun sa New York, mahal ang padala." pagbbibiro pa nito kahit halata namang patulo na din ang mga luha niya.

"Ang plastic mo kapatid," sagot ko habang tumatawa, "If I know, gusto mong may maiwan akong mahalagang gamit para may reason akong bumalik." tudyo ko pa.

Muli ay nagyakapan kaming dalawa. Mamimiss ko talaga tong kapatid kong topakin, lalo na ang pagka-adviser niya minsan.

"Kath," nilingon ko ang bagong dating na si Julia. May kausap kasi ito kanina sa telepono, "May gustong kumausap sayo."

"Sino daw?" kunot noong tanong ko. Wala naman ngayon dito si Krane sa Pilipinas ah.

"Ako." mula sa pagkakaharap ko kay Julia, lumingon ako sa likuran ko. At hindi nga ako nagkakamali, siya nga talaga ang nagsalita. "Pwede ba?"

May pag aalinlangan ako sa umpisa. Pero naisip ko, it's now or never. Baka hindi ko na siya makausap pagkabalik ko galing New York.

"Sure." nag lakad ako papuntang garden, at sinundan naman niya ako. Dito ko napiling mag usap para kaming dalawa lang. "Ano bang pag uusapan natin?" kailangan ko nang magmadali. Baka kasi malate ako sa flight ko mamaya.

His ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon