Wizard's Tale 1: Final Chapter

Magsimula sa umpisa
                                    

"At teka Lolo, may pahabol pa ako! Syempre pati rin yung kaibigan kong si Dustin." Lulubus-lubusin ko na! Dahil para sa pinakamabait na taong nakilala ko, Dustin deserves this. "I wish him luck in love. Sana po, makahanap siya ng babaeng nababagay talaga para sa kanya."


-CUT SCENE-


Nabigyan din kami ng pagkakataon na magkausap ni Prince Rouel. Marami akong tanong sa kanya tulad ng anong kaugnayan namin sa isa't isa. "Kung isa kang Lux Prince at ako naman ay Lux Princess, ibig sabihin ba nun, magkapatid tayo?"

"No, Your Highness. I'm just a royal prince from the Fourth Family. Limang pamilya po ang bumubuo sa Lux but it's not necessarily mean na magkamag-anak po tayo."

Nasabi na nga saakin yun nina Vander at Brylle na binubuo nga ng limang pamilya ang angkan ng Lux.

"You came from the First Family kaya po kayo ang direct heiress of the Lux. We and the remaining families are meant to serve you."

Sa mga paliwanag niya, unti-unti naman na ding nagkakalinaw ang lahat.

"Malaki po ang nasasakupan niyo, Princess Alyanna. Bukod sa White Light Clan, marami pa pong angkan ang sumusunod sa inyo." At napatingin siya sa direksyon ni Brylle. "Kabilang na nga roon ang pamilyang kinabibilangan ng kaibigan mong wizard. Ang Zaffiro na dating Oracle Family ng Auserwalt."

"Nasabi na nga niya saakin yan noon. Pero Prince Rouel, may isang bagay pa akong gustong malaman." Noon pa namin 'to gustong malaman. "Tungkol po sa Snow Vetter na si Clerion. Bakit siya naninilbihan sayo? Di ba bilang myembro ng Lux, hindi kayo dapat nakikipagkasundo sa isang Dark Sorcerer na tulad niya?"

Nagbago bigla ang reaction ni Prince Rouel. Napa-buntong hininga muna siya bago tumingin uli saakin.

"Naiiba si Clerion sa mga Dark Sorcerers kaya siya pinagkatiwalaan naming mga Glaciever. At may mga nalalaman siya na kailangan namin para matunton ka. Malaki ang naitulong niya para mailigtas ka namin, Mahal na Prinsesa."

"Ganun ba."

Nginitian ako ng Prinsipe.

At nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Lumuhod kasi siya sa harap ko at hinalikan pa ang kamay ko. "Alam kong maraming gumugulo sa isipan niyo pero wag kayong mag-alala dahil masasagot po ang lahat ng katanungan niyo sa tamang panahon."

Hindi ko mapigilan na humanga! Ang gentleman kasi eh! Ang gwapo pa!

* * *

Nagbalik kaming muli sa Zaffiro's mansion. Pero hindi rin kami magtatagal doon dahil bukas na bukas din, tutuloy na kami sa Otherworld. "Okay na ako Vander, ako nang bahalang mag-ayos ng mga gamit ko."


-CUT SCENE-


"Ahem!" Sumilip si Brylle sa kwarto ko at nakita niya kami ni Vander. Nakangiti lang siya saamin. Ibang-iba na talaga ang Brylle na kilala ko ngayon. "Naghahanda na kayo?"

"Ayaw nga po niyang magpatulong, Master Brylle.."

"Yana, ipagawa mo na yan kay Vander. May gusto kasi akong sabihin sayo kaya pwede bang mag-usap tayo kahit sandali lang."

Pumayag naman ako at pinabayaan na lang si Vander sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko. Mapilit talaga eh! Samantala, ano naman kayang pag-uusapan namin ni Brylle?

Nagpunta kami sa balkonahe ng mansyon. "Tungkol pala saan ang pag-uusapan natin?"

Hinawakan niya lang ako sa kamay. Hahalikan niya rin kaya ang kamay ko katulad ng ginawa ni Prince Rouel kanina? Pero asa naman ako!

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon