TEASER

0 0 0
                                    

Leiroen Zeira Feazenn.... Ang babaeng nabuhay sa isang napakadilim na nakaraan. Isang nakaraang nagtulak sa kanyang talikuran ang kanyang mga pangarap. Lumaki siyang tila pasan ang kalungkutan sa mundo. Galit sa lahat. Maging sa kanyang pamilya, na naging daan upang siya ay magdusa.

Nagmula si Leiroen sa pamilyang may hindi katanggap-tanggap na tradisyon.
Pamilya sila ng mga musikero. Napakahalaga ng musika para sa mga ito. Subalit kahit buhay na niya ang musika ay nagawa parin ng mga itong talikuran siya.

Sa pag-aakalang mas liligaya siya dahil nakalabas na siya sa silid na nagsisilbing kulungan niya. Ito pa pala ang bagay na labis niyang pagsisisihan. Halos isuka na siya ng buong angkan niya ng mapag-alaman ng mga itong nabubuhay siya.

Maging ang musikang naging buhay niya sa napakahabang panahon ay tinalikuran niya ayon narin sa utos ng pamilya niya.

Ipaipinatapon siya ng mga ito sa isang hindi kilalang bayan. Na naging dahilan kung bakit niya nakilala ang isang lalaking kinamumuhian ang kanyang pamilya. Si Hallen....

Sa kanya ibinuhos ni Hallen ang galit nito. Puot, galit hinanahit, pagkamuhi at sakit ang ipinaranas sa kanya ni Hallen. Nais nalang niyang sumuko sa pang-aalipin nito. Subalit may kakaibang damdamin siyang nararamdaman tuwing malapit siya sa binata.




....

Kinakabahan akong mag-update. Una palang ito. Sana po suportahan nyo ito.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ChantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon