Desperado Gaming (GonzAquis)

960 17 2
                                    

Kauupo lang ni Jov sa same spot nila ng bestfriend niya sa favorite nilang coffee shop.

"Inaasar ako kanina ng barkada ko." Bungad ni Rachel sa bestfriend niyang si Jov.

"Bakit?" Tanong ni Jov nang maka ayos ng upo.

"Mas tumaba raw kasi ako ngayong buwan." Maktol ni Rachel.

"Hahahahahaha!" Tawang-tawa si Jov dahil sa itsura ng dalaga.

"Bakit natawa ka?" Nakangusong tanong ni Rachel sa binata.

"Wala. Anyway, ano namang sabi mo sakanila?" Tanong ni Jov.

"Saka na ako magda-diet!" Sagot naman ni Rachel at uminom ulit ng kape niya.

"Magda-diet ka pa?" Tanong ni Jov.

"Oo naman!" Determinadong sagot ni Rachel.

"Kailan naman?" Nakangising tanong ni Jov.

"Bakit ba? Hindi ka ba naniniwala na kaya kong mag diet?!" Asar na tanong ni Chel kay Jov.

"Hindi ah. Pero, kailan nga?" Tanong ni Jov.

"Basta." Sagot naman ni Rachel.

"Kailan nga?" Pangungulit ni Jov.

"Kapag may nanligaw na sakin!" Pabirong sagot ni Rachel.

Di naman naka imik si Jov dahil sa sinabi ni Rachel. Jov likes Rachel, mula pa noong college days nila. Hindi niya lang masabi dahil sa friendship nila, pinahahalagahan ni Jov yung friendship nila kaysa sa feelings niya towards Rachel.

"Bakit natahimik ka?" Tanong ni Rachel.

"May tanong ako." Sagot ni Jov, maybe this is the time to take a risk...

"Ano na naman yan?" Tanong ni Rachel.

"Ano bang requirements?" Tanong ni Jov.

"Requirements para saan?" Naguguluhang tanong ni Chel.

"Tss. Kailangan may manligaw muna sayo bago ka mag diet?!" Asar na sabi ni Jov.

"Ano na naman bang problema mo? Sungit mo ha." Tanong ni Chel.

"Mag a-apply ako bilang manliligaw dahil desperado ako na maging boyfriend mo, wag ka lang mag diet." Diretsong sagot ni Jov, nasabi niya na!

Rachel thought, shit Jovs. Wag mo kong inaano. Then, she blushed.

One ShotsWhere stories live. Discover now