Chapter 13: Deal

226K 5.7K 503
                                    

"Waaaaa!" napasigaw ako at napasigaw din siya. Nagulat din ata siya ng makita ako kaya naman bigla ulit siyang pumasok sa banyo sabay lock ng pinto.


Hindi ba dapat ako lang iyong sisigaw? Ako po iyong pinasok ang bahay, hindi siya. Pinagbabayo ko kaagad iyong pinto ng banyo. Lakas ng loob maglock ng pinto. Akala mo naman sa kaniyang banyo.


"Hey! Get out!" sabi ko habang patuloy na pinagbabayo ang pintuan ng banyo.


"Ayaw! May hawak kang espada! Tsupi!" Wtf? Define kapal ng mukha? Siya na.


"Banyo ko yan! Lalabas ka o ako ang papasok?" banta ko sa kaniya. Hinanap ko sa side table ng kama ko ang susi. Alam ko nandito lang iyon. Teka, asan na ba iyon?


"Manyak ka! Katatapos ko lang maligo tapos naka-tapis lang ako ng tuwalya. Manyak!" Seryoso pa itong isa na ito? Ako pa ang manyak. Eh sino kaya ang basta-basta na lang pumapasok ng banyo at kuwarto ng kung sino-sino.


"Lalabas ka ba diyan o hindi?!" Nakapamewang na tanong ko habang nakatayo sa harap ng banyo. Nakita ko na kasi ang susi.


"No. You'll gonna rape me!" Wow. Ang yabang. Lakas ng tama sa utak. Nababanas na ako kakakatok sa pinto. Fuck the stupid key. Ayaw niya ng walang dahas kung ganoon ay gagamitan ko siya ng dahas. Wala ng susi pa. Dahas kung dahas na.


Hinagis ko iyong katana at susi ko sa kama, lumapit ulit ako sa banyo at saka ko sinipa ang glass door ng banyo. Hayaan mo na kung masira, mang-a-agaw na lang ako ng bahay mamaya.


Ngunit, mas nagulat ako ng abutan ko siya sa loob ng banyo. Fudge. Napatalikod ako kaagad. Dapat dito hindi professor eh. He is a damn bold star. Paano ba naman kasi nakasandal sa pader at naka-pose without that towel on his body. Nakembot pa siya. Nawi-wiggle yong... Argh!


"Neon! For pete sake, get dressed!" Hindi ako mapakali at agad na lumayo sa pintuan ng banyo. Grabe. Sobrang pula na ng mukha ko. Bullshit.


"Hindi mo ako malalapitan! Belat!" Arrrgh! Narinig ko ang mapang-asar na tawa niya. Mas lalo akong naiinis.


"What are you doing here in my place?" pasigaw na tanong ko. Never akong haharap diyan.


"Ah. Iyon ba? Sinamahan ko lang kasi si----" Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng may sumigaw sa labas.


"Neon! Nakakuha na ako ng damit mo. Nasan ka ba?" Sino iyon? Napatigil ako bigla. Parang narinig ko na ang boses na iyon.


"Nandito ako sa kuwarto noong amasona! Dito na ako naligo!" Ganting sigaw naman ni Neon. Ako ba iyong amasona na tinutukoy niya?


"What?! Nandiyan ka sa kuwarto ni---" Nabitin sa ere iyong sasabihin niya ng makita niyang masama ang tingin ko sa kaniya pagpasok niya sa kuwarto ko.


"What is this shit?" sambit ko habang pinauulanan siya ng kutsilyo sa isip ko.


Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book OneWhere stories live. Discover now