"Why do you always leave me? When will be the next time you'll do it? Sabihin mo para mauna na ako tapos aantayin nalang kita."

Hindi ako makatingin sa kanya kasi tama siya. 

Ako nga naman ang laging nang-iiwan. I felt sorry for that. 

Highschool, iniwan ko siya dahil sa mababaw na rason tapos last year ganun din.

Twice na akong nakipagbreak sa kanya pero ngayon ko lang narealize na still, lagi pa rin siyan nandito sa tabi ko. 

He never left me. He had been always waiting for me. 

Sudden realization hit me. Wala naman siyang pagkukulang. He was always there and always will. I'm just so full of myself na gusto ko nasa akin lagi ang atensyon niya.

Nainsecure ako, nag-overthink ako, naging makasarili ako. It was all my fault. And I'm really sorry for thinking that way and for being selfish. Ang sensitive ko pala. 

Ngayon gusto kong magsorry pero paano? 

Sorry Mico kasi ang ganda ko kaya dapat habulin mo ako? 

Kane naman eh. Baka naman pagsinabi ko yun ay mauntog siya sa katotohanan at bigla niya nalang akong iwanan. 

Teka? Break na pala kami diba?

"Liligawan mo ako ulit?" 

Nanlaki ang mga mata ko ng narealize kung ano nga ba ang nasabi ko. Sh*t na bibig. Mali, maling mali. Namula ako sa kahihiyan. Feeling ko namumula ako. Ang init ng pisngi ko at nararamdaman ko yun.

Tumingin nalang ako sa labas para maiiwas ko ang tingin ko. Kane naman bakit ba hindi ka nag-iisip bago ka nagsasalita. 

Bakit naman kasi mas mabilis pa ang bibig ko kesa sa utak ko minsan. Ughh.

Nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin siya sa akin. Nahihiya nanaman ako bigla. 

"Easy to get, hard to forget and harder to chase. Because someone's always leaving for nonsense reasons. Tss."

Ang hirap naming basahin, pakiramdam ko lang naman. Hindi mo malalaman kung anong mangyayaring susunod.

Parang roller coaster din, mapa pababa o mapa pataas ang ride namin we always enjoy it. We always find it fun. Parang lagi ring nasisingitan ng kalokohan. Minsan lang serious but most of the time, we're weird.

Para sa akin lang naman, ewan ko kay Mico kasi nga yung reaction niya limited edition ata. 

Pakiramdam ko we have the weirdest relationship. Ups and downs, twists and turns. Minsan nagiging seryoso but later on it's not at all. 

"Okay na tayo?" tanong ko ng naguguluhan.

"Not until you admit that you're sorry." 

"Ano?! Ako pa?!"

"Bakit hindi? Alam mo naman sa sarili mo."

"Hoy lalaki, may kasalanan ka rin 'no. Quits lang. Tsaka ikaw ang nanliligaw. Umayos ka nga mamaya hindi kita sagutin eh." 

Hah. May alas pa rin ako mwahaha.

"Sinong may sabing nililigawan kita?"

At dun ako parang binagsakan ng langit at lupa. 

"Bwis*t ka talaga! Bahala ka nga sa buhay mo! Ihinto mo ang sasakyan. Bababa ako. Leche." 

"Saan bahay niyo?"

"Dun pa rin. Malamang."

"Bakit nung pumunta kami sabi..."

"Naniwala naman kayo. Sus. Syempre pahard to get, I mean pa hard to chase ako. Syempre ipapa cocover up ko lahat." 

Sa tingin ko okay na kaming dalawa. Hindi ito yung ineexpect ko huhu. Dapat love-hate relationship pa kami. Bakit ganun? Dapat chasing pavements pa ang peg namin. Di bale, liligawan din naman niya ako eh. Sana. 

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon