Prologue

51 0 0
                                        

May mga taong dumadating sa buhay natin na parang bagyo.

Biglaan.

Magulo.

At kayang baguhin ang lahat ng pinaniwalaan natin tungkol sa pag-ibig.

Akala natin...

kapag mabilis ang tibok ng puso,

siya na.

Kapag siya ang unang pumasok sa isip natin pagkagising,

siya na.

Kapag siya ang dahilan ng bawat ngiti,

siya na.

Pero hindi pala ganoon kasimple ang pag-ibig.

Minsan...

nakakabulag ito.

Hinahayaan tayong habulin ang taong akala natin ang nakatadhana.

Habang hindi natin napapansin ang isang taong tahimik lang na naglalakad sa tabi natin.

Hindi siya ang unang nagpatibok ng puso.

Hindi rin siya ang unang pinangarap.

Hindi siya ang taong ipinagmamalaki sa buong mundo.

Pero siya ang taong nanatili...

sa bawat luha,

sa bawat pagkatalo,

sa bawat pagkakataong gusto mo nang sumuko.

May mga taong dumadaan lang sa buhay natin.

At may mga taong...

kahit hindi natin hinahanap,

sila pala ang magiging tahanan ng puso natin.

Ang nakakatawa sa tadhana...

hindi nito agad ibinibigay ang tamang tao.

Hinahayaan muna tayong masaktan.

Magkamali.

Mawala.

At matutong bumangon.

Dahil minsan...

kailangan mo munang mahalin ang maling tao,

para makilala ang tamang tao.

At kapag dumating ang araw na handa ka na...

saka mo lang mapapansing...

ang taong matagal mong hinahanap,

ay hindi pala kailanman nawala.

Naroon lang siya.

Tahimik.

Naghihintay.

Laging nasa tabi mo.

Because sometimes...

the greatest love story

isn't with the person who made your heart race.

It's with the person

who never stopped choosing you.

The one who had.

Always Been You...

----👑----
Enjoy Reading😊

Pinagtagpo pero Hindi TinadhanaNhững tác phẩm khiến độc giả say mê. Hãy khám phá bây giờ