"Who texted?" tanong ni Van.

"Si Ledge," nagkibit balikat siya sabay baling sa bintana.

Nang makarating kami sa bahay ay hirap na hirap akong umakyat papunta sa aking kwarto. Paano pa kaya kapag pababa na ako? Hindi ko yata kakayanin!

Napahinga ako ng maluwag nang makaupo ako sa aking kama. Si Van naman ay sinasabihan ang mga bodyguards tungkol sa mga gamit.

"Dea," tawag ni Van. "Bibili lang ako ng mga gamot mo at pagkain na rin,"

Tumango lang ako. Hinalikan niya ako sa pisngi bago nagpaalam. Kumaway pa ako sa kaniya hanggang sa makaalis siya kasama ng mga bodyguards niya.

Napagpasyahan kong mag facebook muna. Hirap ako sa pagpindot dahil mahapdi ang palad ko pero kaya naman.

Something caught my attention on my news feed. It was a picture posted by Bella Sernal. They were sitting next to each other. Kuha ito sa isang bar dahil kita roon ang makukulay na ilaw at mukhang nakainom pa silang dalawa.

Tha caption was, "Finally! I missed you!"

Naka-tagged iyon kay Leader at dinagsa ng comments kaya naman lumalabas ito sa news feed ko kahit pa hindi ko friend si Bella.

Majority ng comments ay natutuwa sa kanilang dalawa. Ang ilan pa ay sinasabing bagay na bagay sila at mabuti naman dahil nagkabalikan na ulit sila.

Parang may kumurot sa aking puso. This is no longer a joke! Ang iniyak ko kagabi dahil sa sakit na naramdaman ko ay naging totoo na ngayon! He's dating Bella at kung hindi ako nagkakamali, matagal na silang dalawa. Naudlot lang siguro dahil umalis si Bella.

Naramdaman ko kaagad ang naging pagtulo ng luha ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. How I wish that it was just a normal crush for someone pero hindi! It's even deeper than that!

He took my first kiss. He made me feel so safe and special all the time. He even told me na liligawan niya ako. What could be the possible reason for that? Mukha ba akong challenge para sa kaniya para ganituhin niya ako?

Isinarado ko na lang ang phone ko at hinayaan ang sarili ko na umiyak. Iniiyak ko ang lahat ng posibleng emosyon na meron ako. Siguro naman mawawala rin ito. Bata pa ako at marami lang iba diyan. Hindi lang siya.

Tumunog ang phone ko. Hindi ko na natignan kung sino iyon dahil nasagot ko na. Sumisinghot pa ako nang magsalita ako.

"H-Hello?"

"Dea?" para akong nawalan ng ulirat sa narinig na boses. Kahit na kagabi ay kasama ko siya, pakiramdam ko ang tagal na simula nang makausap ko siya. "Hey..."

"Hmm?"

"Wala ka na sa hospital? Why is it so early? You didn't wait for me?" tanong ni Leader.

"Umuwi n-na kami..." pabulong kong sabi.

"Can I go there?"

Nataranta ako at kaagad na nangapa ng sagot. Hindi siya puwede dito! Hindi pa ako handang makita siya dahil masakit pa ang puso kong sugatan.

Nakakatawang isipin na mas masakit ang nararamdaman ko sa loob kaysa sa pisikal na sakit na meron ako ngayon. Paano ba ito?

"N-Nasa bahay ako ni lola..." Liar! You don't have any grandparents so why would you go to their place?

"Malayo ba 'yan?" hindi ako nakasagot hanggang sa narinig ko ang buntong hininga niya. "Sorry, baby. I woke up late,"

Paanong hindi mahuhuli sa gising e, abala sa paghaharot kagabi? Kailan pa ako naging ganito kasama mag isip tungkol sa isang tao? This is not good.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now