Place

32.7K 972 14
                                    


Chapter 19:

Alelaine's POV:

"I said..." Sabi nito at hinawakan ang magkabilang pisngi niya at tinitigan siya na nakakapanlambot ng tuhod at pag iisip.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso niya.... hiling niya ay hindi nito iyon marinig.

Dahil sa lakas ng dagundong niyon sa dibdib niya.

"...you're going to spend your days here...with me" sabi nito na siyang dahilan sa parang panandalian niyang pagkabingi dahil parang nabingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya.

"A-ano?" Pag uulit niya sa sinabi nito dahil baka ambisyosa na naman ang tenga niya t kung ano ano ang naririnig.

Inalog pa niya saglit ang tenga gamit ang isang daliri niya.

"You're going to spend your days here with me, Alelaine" pag uulit naman nito, at seryosong seryoso ang mukha... at parang determinado ito?

"B-bakit?" Pagtataka niya, hindi ba dapat sa mga pulis?

Pero may nagsasabi sa loob niya na parang mas safe siya kapagka kasama niya ito.

Syempre, dalawang beses ka na niyang iniligtas Alelaine. Paalala niya sa sarili niya.

Tama.

Dalawang beses siyang iniligtas at utang niya dito ang buhay niya.

"You're safer here, at maalagaan kita dito Alelaine" sabi nito at napalunok siya.

Aalagaan siya?

Gusto sana niyang itanong kung bakit siya nito aalagaan pero baka isipin nito ay assumera siya.

"D-dalawa lang tayong nandito?" Sa halip ay sabi niya sa sinabi nito.

"Yes" diretsang sabi nito at binasa niya kung may konting malisya ba o wala, at parang gusto niyang madisappoint dahil wala siyang nakita--

Tumigil ka nga!saway niya sa sarili, si Alejandro na nga lang ang nagmamalasakit sa kanya, siya pa 'tong malisyosa.

Dapat ay maging grateful na lang siya at huwag na niyang bigyan ng ibang kulay ang kabaitan nito.

"Let's go?" Sabi nito at pumunta sa harap niya ang nakabukas na palad nito.

Namula ang pisngi niya.

Alam naman niyang walang malisya ang kamay nitong nakalahad pero wala pang lalaki na naka holding hands niya.

Holding hands ka diyan, gusto ka lang niyang alalayan!

Maloloka na yata siya.

Wala sa lob ay tinanggap niya ang kamay nito at agad nitong tinakpan ng malaking kamay nito ang palad niya.

Parang may kuryente pero agad niyang pinaalis iyon sa isip niya dahil gusto niyang namnamin ang pakiramdam ng malaking kamay nito na dalawang beses na iniligtas siya at ipinaparamdam ng malaking kamay nito na kaya siya nitong protektahan.

Pinindot nito ang code sa pinto at agad na pumasok sila nung nakarinig sila ng tunog.

Nang nakapasok sila ay mangha siya sa nakikita niya, simple lang ang bahay pero sobrang ganda.

Halatang kumuha ito ng interior designer para mapaganda ang bahay nito.

Ilang babae na kaya ang nakapasok dito?

Perfect Imperfections: AlejandroWhere stories live. Discover now