Part 21

2.4K 276 132
                                    

Dei's POV

Hindi ko inaasahan ang pagtatapat ni Gov sa akin. Bawat salitang sinambit niya parang musikang kumiliti sa aking damdamin. Mahal niya ko at nakahanda siyang sumugal para dito. Ano pa bang mas masarap pang pakinggan bukod sa mga salitang yan? Pero bukod sa kiliting hatid nito, ramdam ko rin yung sakit at bigat ng problemang kalakip ng mga salitang "mahal kita" para sa aming dalawa. Bakit ba ang hirap ng sitwasyon namin? Gustuhin ko mang ilahad ang tunay na nararamdaman ko, alam kong hindi iyon ang makakabuti para sa'ming dalawa. Sa kanya na mismo nanggaling na mali sa mata ng mga tao ang gagawin niya. Na hindi ito ang gusto nila para sa kanya. Maging ako man, alam kong hindi pwede dahil lalo lang magkakaroon ng komplikasyon. Masyadong magkalayo ang estado namin sa buhay. Hihintayin ko pa bang kutyain akong muli ng iba at ipagtabuyan ako ng kanyang pamilya? Oo, alam kong napakabuti ng puso ni Mam Rose pero ayoko ring pakasiguro. Kaya nga buo ang loob kong humarap sa kanya upang sabihin ang napagpasyahan ko na. At hindi ko babaguhin yun ng dahil lang sa mga salitang sinambit ni Gov ngayon sa akin.

Simula pa kaninang umaga ng hilingin ni Gov sa'kin na kalimutan muna namin ang lahat at hayaan ang sarili namin na mag-enjoy, yung puso ko lumulundag na sa tuwa. Pero hindi lang yung ngayon ang mahalaga. Hindi lang yung kami. Ang daming dapat isipin. Maraming tanong na hindi masasagot ng simpleng "mahal kita". We are not in a perfect world kung saan pwede ang lahat ng bagay. Tunay na buhay ito. At sa tunay na buhay, alam kong hindi kami pwedeng dalawa. Kaya nga mas pinipili kong magparaya. Para hindi kami parehong mahirapan. Isang malalim na buntong-hininga ang hinugot ko kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata. Dahil kahit na gustuhin ko, hindi pwede. Tatanggi na sana akong sumugal kasama niya. Pero bago pa man ako makapagsalita, isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Hindi ko naihanda ang aking sarili sa aking narinig. Kilalang kilala ko ang boses na yun dahil halos araw-araw kong naririnig yun nung mga panahong nagtatrabaho pa ako sa kanya. Biglang nanlamig ang aking buong katawan kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso. Mabilis kong nabitawan ang kamay na nakahawak sa akin.

Posible ba? Si Sir Emilio ba talaga tong kausap ni Gov? Sigurado ako sa boses niya. Posible ba akong magkamali? Please, please sana mali ako. Please sana kaboses lang talaga ni Sir Emilio.

Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko para makasiguro. Biglang tumayo ang aking balahibo at parang nanikip lalo ang aking dibdib. Dahil sa eksaktong pagkakataon na ako'y napatingin, nagtama ang mga mata naming dalawa.

"Maine?!"

Naalala ko yung isang kasabihan na nabasa ko...
Life is full of surprises. It will not always be pleasant, so you need to be ready for whatever life brings you.

Sa pagkakataong ito, hindi ako handa. Hindi agad ako nakapagsalita. Nanatili lang akong nakatulala. Makailang ulit ko man buksan ang bibig ko, parang umurong ang dila ko at ni isang tinig walang kumawala. Hanggang sa narinig ko si Gov na nagsalita.

"Aahhh Bro, hindi, nagkakamali ka. Hindi Maine ang pangalan niya. Siya yung bodyguard ko, si Dei nga pala."

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Napatayo ako sa kinauupuan ko at nakita kong sumunod naman si Gov sa pagtayo. Pero hindi ako agad nakakilos at wala rin akong nagawa. Next thing I know, nasa harapan ko na mismo si Sir Emilio at hawak niya ko sa magkabilang braso. Mariin niya akong pinagmasdan.

"Hindi ako pwedeng magkamali. Maine! Maine ikaw nga!"

Ikinulong niya ako sa kanyang magkabilang bisig at saka niyakap ako ng mahigpit. Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Napatingin ako kay Gov at nakita kong nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagkunot ng noo niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa ginawa ni Sir Emilio o dahil naguguluhan siya sa mga nangyayari.

MistakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon