Part 12

1.8K 220 119
                                    

Dei's POV

Salamat at buo pa ang katawan ko nang dumating kami sa pupuntahan namin. Habang nasa kalagitnaan kasi kami ng byahe kanina, muling pinalipad ni Gov ang kotse nya. Grabe parang naalog ang lahat ng mga internal organs ko dahil sa bilis nyang magmaneho.  Ilang beses na muntik kaming bumangga sa mga nakakasalubong namin. At ilang beses din akong muntikang tumili. Ang nakakaasar pa dun, tuwang-tuwa pa sya sa reaksyon ko. Kung hindi ba naman nanadya ang damuhong 'to. Kung pwede lang murahin 'to baka kanina ko pa ginawa.

Nang ihinto ni Gov ang sasakyan, hindi agad sya bumaba sa halip ay tumingin lang sya sa akin. Hinihintay nya atang pagbuksan ko sya ng pinto na very unusual sa kanya. Madalas naman na nauuna na syang bumaba. Tsk, trip talaga ako nito. Kaya kahit mahilo-hilo pa ako, bumaba na ako ng sasakyan para pagbuksan sya ng pinto.

" Ano Mendoza, okay ka lang ba? " nakangising tanong nya nang makababa.

" Okay naman, Gov. Medyo na dislocate lang nang kaunti ang mga laman-loob ko. Pero okay naman. "

" Bakit naman? Mabilis ba akong mag drive? "

" At nagtanong ka pa talaga, Gov? "

" Hahahahaha. Mabagal pa nga yun, Mendoza. Pero teka, tawang-tawa talaga ako sa reaction mo. "

Napailing na lang ako bago muling nagsalita.

" Pasalamat ka Gov, ginagalang kita. Kundi nakatikim ka sana ng mura kanina. "

" Hahahahahaha. You're really funny, Mendoza. Halika na nga, pumasok na tayo. " sabi nya bago nagsimulang maglakad.

Napakamot na lang ako ng ulo habang nakasunod sa kanya.

Kinabahan ako kanina noong sinabi nya na pupunta daw kami sa langit. Akala ko kung anong klaseng langit ang pupuntahan namin. Nagpa tumbling-tumbling na nga ako dahil sa pagmamaneho nya, sumabay pa ang kaba ko sa langit na sinasabi nya. Dito lang pala.

Nang makapasok, agad na kumuha si Gov ng shopping cart at nagsimulang mag ikot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang makapasok, agad na kumuha si Gov ng shopping cart at nagsimulang mag ikot. Nakasunod lang ako sa kanya habang namimili sya ng mga toiletries nya.

" Ikaw Mendoza, hindi ka ba bibili ng mga toiletries mo? " nilingon nya ako habang nagsasalita. " Itong Master itry mo. Ito ang sekreto ng mga gwapo. "

" Ha? Hindi na po Gov. Kakabili ko lang din kasi noong nakaraang araw. Saka hindi Master ang gamit ko, Eski-"

" Ahh okay. Sayang ililibre pa naman sana kita. "
" Wag na, Gov. Masyado nang nakakahiya yun. "

" Okay, fine. "

Nang matapos kami sa mga toiletries ay dumiretso na kami sa canned goods at instant foods section. Napanganga ako nang biglang nyang hakupin ang isang hilera ng corned beef at ilagay sa cart. Isinunod nya ang isang hilera ng spam at meatloaf. Tapos ay isang hilera ng pork and beans. At iba pang klase ng mga canned goods ang hinakot nya. Sumunod ang mga hilera naman ng mga instant noodles ang kinana nya. Halos lahat ata ng brand ng noodles ay kinuha nya. Ang ending? halos mapuno na ang shopping cart na dala namin.

MistakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon