Part 16

2.1K 242 189
                                    


Richard's POV

Naguguluhan, nalilito, nagugulumihanan. Ito na ata ang pinakamahusay na pang-uring maglalarawan sa nararamdaman ko ngayon. Sobrang hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Lalo na sa sarili ko. May mali eh. Alam ko may mali sa mga nangyayari. Pero bakit ganun? Unti-unti ko nang nagugustuhan ang maling yun? Yung kahit alam mong mali, parang iba pa rin sa pakiramdam.

Hinahanap-hanap ko na sya. Kahit magkasama kami sa bahay, gusto ko syang makita palagi. Kapag narinig ko naman ang pangalan nya, hindi ko mapigilang mapangiti. Tapos gusto ko palagi akong nakadikit sa kanya. Kaya hindi ko namamalayan, nakaakbay na pala ako sa kanya. Basta magkadikit lang ang mga balat namin, pilit ko mang ideny, nagugustuhan ko na ang pakiramdam na yun. Kaso sa simpleng pagdidikit pa lang na yun, parang may nag ririgodon na sa pagkatao ko. Yung bituka ko parang uod na nilagyan ng asin. Sobrang hindi ko maipaliwanag, basta ang intense eh.

Kapag naman nag-uusap kami hindi ko mapigilang hindi sya titigan. Ewan ko ba kung anong meron sa mukha nya. Basta the moment na ipinako ko ang mga mata ko sa kanya, nahihirapan na akong alisin. Kapag naman hindi sinasadyang magtama ang mga mata namin, natataranta ako kung paanong iwas ang gagawin ko. Kasabay nun ay ang karerahan ng mga daga sa dibdib ko.

Tapos isa pa sa nakakapagtaka, may mga bagay akong hindi ko nagagawa dati na ginawa ko para kay Mendoza. Katulad na lang ng pagluluto. Sa tanang buhay ko kasi never pa akong nagluto para sa ibang tao. Kahit nga pamilya ko, hindi ko pa nilutuan. Ewan ko ba noong araw na iyon, parang may tumutulak sa akin na ipagluto sya. Para akong batang paslit na gustong magpa bibo sa magulang. Oo nga at hotdog at itlog lang yun, pero grabe ang effort ko nun! Hindi ko nga lang alam kung pasado sa panlasa nya o kung edible. Pero dahil wala naman syang violent reaction habang kumakain, pasado na rin siguro. Subukan nya lang mag reklamo, didibdiban ko talaga sya. Pero syempre, joke lang yun.

Lalong nadagdagan ang confusion ko noong araw na nagkasakit sya. Naiinis ako nung araw na yun kasi paglabas ko ng kwarto, hindi pa siya nakahanda at wala pa ring agahan. Hindi naman siya obligado na maghain ng agahan pero ang kinaiinis ko ay yung hindi kami nakapagsalo ng umagang iyon. Ewan ko ba, hindi ko na rin maintindihan itong nararamdaman ko. Pero baka nasanay lang kasi akong kasalo siya sa umaga kaya yun ang isang bagay na nilulookforward ko sa araw-araw. Sinanay niya kasi ako. Kaya yamot na yamot akong naghihintay nun sa kanya sa sala. Paglabas niya, hindi ko napigilan ang sarili kong sitahin siya. At dahil nga malelate na kami at siguradong hindi na kami makakapag-agahan, hindi ko na hinintay ang paliwanag niya at dumeretso na ko palabas ng bahay. Nang mapansin kong hindi siya sumunod sa akin palabas, lalo akong nainis. Binalikan ko siya sa loob ng bahay. Handa na sana kong manermon ulit. Pero hindi ko inasahan ang nakita ko. Si Mendoza, nakakapit sa likod ng sofa at mukhang namimilipit sa sakit. Grabe ang kabog ng dibdib ko kaya mabilis pa sa alas kwatro akong napatakbo papunta sa kanya. Nakatungo lang siya nung una kaya hinawakan ko siya sa magkabilang braso. Pero nabitawan ko rin siya agad dahil para kong napaso sa kuryente na dumaloy nang mahawakan ko siya.

Susmaryosep, bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Nang ituon niya ang paningin niya sa'kin, nakita ko sa mga mata niya ang sakit. Napansin ko rin na namumutla na sya. May nakain siguro syang hindi maganda kasi napansin kong hawak-hawak niya ang tiyan niya. Minabuti kong hindi na siya papasukin nung araw na iyon. Pero grabe yun! Dinaig pa nun ang pagkabalisa ko nung hinihintay ko ang resulta ng nakaraang eleksyon. Nakakataranta. Hindi ako mapakali. Halos buong umaga ko siyang iniisip kahit na nasa Kapitolyo na ako. Hindi pa siya nagrereply o sumasagot sa mga text at tawag ko.

Oh, what have you done to me, Mendoza?! Ano ba itong nangyayari sa'kin? Nababakla na ba ako?! Hindi. Nag-aalala ka lang kasi empleyado mo yun diba? Wala nang ibang dahilan. Talagang nag-aalala ka lang syempre may sakit ang empleyado mo. Pero bat kay Santos hindi naman ako ganito nung magkasakit siya? Hindi. Iba si Mendoza kasi kasama mo siya sa bahay, malamang nag-aalala ka lang dahil syempre kargo mo kung may mangyari sa kanya. Tama, yun lang yun. Yun lang yun Richard, nag-aalala ka lang kasi asa puder mo siya. Kaya hayaan mo na lang. Baka bukas magaling na din yun. Tigilan mo na ang text at tawag.

MistakenWhere stories live. Discover now