BO - Chapter 17

Depuis le début
                                    

Dinig na dinig niya ang hininga nito kaya naman mabilis niya itong dinala sa kubo niya malapit sa manggahan para magamot agad ang binata.

Pagkapasok nila, inihiga niya ang binata sa papag. Kumuha siya ng palangganang may tubig at labakara at pinunasan muna ang binata para malinisan. Pagkatapos ay lumabas siya saglit para kumuha ng dahon ng saging.

Pagkakuha niya, agad siyang bumalik sa kubo niya. Lumapit siya sa binata para simulan itong gamutin.

Pinunit punit niya ang dahon ng saging at kinuha niya ang pandikdik sa may tabi ng papag.

Dinikdik niya ang murang dahon ng saging at nang lumambot na ito at kumatas na, pinatak niya ang katas sa sugat ng binata sa noo. Nilapat niya ito doon na may kaunting pagdiin at pagkatapos ay binendahan niya ang noo nito papunta sa likod ng ulo nito.

Matapos niyang gamutin ang binata, iniwan muna niya itong mahimbing na natutulog.

Nagpunta siya sa kanyang asawa na ngayon ay nasa bakuran nila at nagwawalis. Kinausap niya ito patungkol sa binatang kanyang natagpuan sa talahiban.

-

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

"Parang awa mo na, Dara. Mahalin mo naman ako, hindi bilang kapatid. Kundi bilang isang lalaki."

Sa hindi ko malamang dahilan, kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Ayaw kong marinig na nasasaktan si kuya at ako pa ang dahilan. Kaya ito na 'ata ang bagay na hindi ko alam kung bakit nagawa ko.

Kinulong ko ang magkabilang pisngi niya sa mga palad ko dahilan para mapapikit siya. Pumikit din ako at..

Dinampian ko ng labi ko ang mga luha niya na umagos sa pisngi niya.

Ilang segundong nakadikit lang ang labi ko sa pisngi niya bago ko ito ilayo mula sa kanya.

Nagdilat ako ng mga mata at natagpuan ko ang mga mata niyang nakapikit lang na para bang pinapakiramdaman ang mangyayari.

Nagbuntong-hininga ako bago magsalita.

"Kuya, please. H-huwag ka pong umiyak. Sumasakit po 'yung puso ko eh."

Bakit kasi ako pa 'yung minahal niya? Marami naman dyang iba.

'Yung tamang tao para mahalin niya, hindi ako na kapatid niya.

Napakahirap naman ng sitwayong 'to.

Bakit ko ba nararanasan 'to? Hindi ko maintindihan.

Normal bang nangyayari 'to?

Nangyayari ba talaga 'to?

Nagmulat siya ng mga mata kaya tinanggal ko na ang pagkakahawak ko sa magkabilang pisngi niya.

Dumistansya ako ng kaunti sa kanya at napabuntong-hininga na lang.

"You're hurting, too? Do you know what that means?" Malumanay niyang tanong habang nakapaskil ang maliit na ngiti sa mga labi niya kasabay ng pagkislap ng mga mata niya.

Napakuno't-noo ako. Naguguluhan ako?

Anong ibig niyang sabihin doon?

"What do you mean, kuya?"

Pero imbis na sagutin ang tanong ko, binigyan niya lang ako ng malawak na ngiti sa kabila ng mga luhang natuyo na sa mga pisngi niya, at ang magkabilang pisngi ko naman ang kinulong niya sa mga palad niya bago paulanan ng mga halik ang mukha ko simula sa tungki ng ilong ko, sa noo ko, sa mga kilay ko, sa magkabilang pisngi ko, sa chin ko and lastly, sa labi ko.

Nagtagal ito doon. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at hindi ko magawang magprotesta, bagkus ay agad akong tumugon sa halik niya kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko, bago ako kumapit sa mga balikat niya.

Pumikit ako kasabay ng pagpikit niya.

Naramdaman ko sa mga labi ko ang pagngiti niya at hinapit pa ako papalapit sa kanya dahilan para bahagyang maipit ang maliit kong katawan sa malaki niyang pangangatawan.

Nilagay niya sa likod ng ulo ko ang isang palad niya at hinapit palapit pa lalo ang ulo ko sa kanya dahilan para madiinan pa niya ang pagkakadikit ng mga labi namin.

At dahil sa ginawa niyang 'yun, napaawang na lang ang mga labi ko. Hindi siya nag-aksaya ng panahon at agad niyang pinasok ang dila niya sa bibig ko.

May hinahanap ito sa bibig ko at alam ko na kung ano 'yun kaya walang pagdadalawang isip na binigay ko sa kanya 'yun. Naglaban ang aming mga dila ngunit sa huli ay natalo lang ako dahil agad niyang sinipsip ang dila ko paloob sa bibig niya.

Pinaikot-ikot niya ang dila niya sa dila ko na para bang tinitikman ang bawat paligid nito. Hindi ko masundan ang bawat galaw niya dahil napaka-agresibo ng paggalaw niya.

Matapos ang ilang sandali, pinakawalan na niya ang dila ko pero hindi pa rin niya pinapakawalan ang mga labi ko.

Nauubusan na ako ng hininga kaya tinutulak ko na siya para magkaroon man lang ng hangin sa pagitan namin. Kaya naman bahagya na niyang nilayo ang labi niya sa akin ngunit nasa likod ko pa rin ang palad niya kaya napakalapit pa rin ng distansya namin sa isa't-isa.

Naramdaman kong pinagdikit niya ang aming mga noo.

Dinig na dinig ko ang paghahabol niya ng hininga gaya ko. Nakakatatlong hinga pa lang ako, muli na naman niyang pinaglapat ang mga labi namin.

Nawawala na naman ako sa tamang huwisyo.

Hindi ko man alam 'tong nararamdaman ko pero hindi ko rin 'to matanggihan.

Alam niyo 'yung pakiramdam na para bang gusto na lang ng puso niyo na tugunin ang nararamdaman sa inyo ng isang tao?

Ganon 'yung nararamdaman ko ngayon kay kuya. Hindi ko maintindihan kung bakit.

Ano bang nangyayari sa akin at nagising na lang akong ganito na gusto na lang tugunin ang nararamdaman niya gaya ng pagtugon ko sa mga halik niya.

Saglit akong humiwalay ng halik sa kanya kasabay ng paghahabol naming dalawa ng hininga. At tinitigan ko siya nang mataman gaya ng pagtitig niya sa akin sa mga oras na ito.

Hindi ko alam kung kasama ba ito sa plano kong kunin ang loob niya pero kusa na lang namutawi sa labi ko ang mga katagang...

"Kuya, p-please take me now."

-

-

-

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.
Brother's Obsession [EDITING]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant