CHAPTER 27 ~ EXO MEET EX-KO

277 4 0
                                    

A/N: dedicated ko to sa'yo Maam . Kasi kahit busy sya school tinanong nya parin ang title ng story ko at sinuportahan nya pa . SALAMAT PO ! tsaka sabi ng mama ko na inspired ka daw po sakin kaya gumawa ka ng PROGULUE para sa gagawin mong story . Hhihihi susuportahan ko rin yung Story mo maam . FIGHTING AJA !! ang saya pala pag may naiinspired ka .

VOTE AND COMMET !! <3 (^*^)

~~~~

{Leeteuk POV}

umaga na ! pero nandito ako sa bench sa labas ng kwarto ni Taeyeon . nahihiya akong magpakita sa kanya lalo ng alam kong gising yan bawat oras . Alam kong sinusubaybayan nya ang pagdating ko . Dito narin ako natulog kagabi sa bench . Kagabi may mga narinig akong sigawan sa kwarto nya , siguro tinawagan nya yung Hyung nya . 

"Doc nasan po ang room ni Park Taeyeon . " narinig kong tanong ng 12 lalaki . Hindi ko alam ang gagawin ko ng mapansin kong isa sa kanila si Chanyeol . Si Chanyeol na kapatid ni Taeyeon . Aalis ba ako o dito lng ako para kay Taeyeon . Papalapit na sila . 

"Room 3 daw . " sabi ng isang lalaking chubby

"Yes buti hindi tayo maglalakad ng mahaba " sabi naman nung maitim ng kaunti pero , basta maputi sya na maitim basta alam nyo naman ang itsura nun diba . Nandito na sila sa tapat ng room ni Taeyeon . Unang pumasok ay si Chanyeol at sumunod na sila isa't isa pero yung lalaking matangkad na hindi naman ganun kahaba yung baba tsaka yung lalaking maliit lng , maputi at ang payat nya parang hindi sya nakain .

"Sh*t !! papatayin ko kung sinuman ang gumawa nito kay Taeyeon  !! " Nakakatakot yung boses nya . Napansin ko namang kinuha nung isang lalaking yung cellphone nya at may tinext ata . Nakita ko ang taling nya sa kanan nyang hinlalaki . Ang hahaba ng daliri nya . 

"Hyung may aaminin ako sa iyo "

"Ano naman yun ??" lumayo ako ng kaunti para hindi nila masyadong mahalata na nakikinig ako sa pinag-uusapan nila.

"Hyung kasi si Taeyeon nagtrabaho sya bilang maid sa amin . Nagulat nga ako ng makita sya sa bahay namin eh . Tapos nalaman kong maid sya doon . Pinalayas sya ng Eomma ko ng maabutan nya kaming magkayakap ni Taeyeon . Hindi ko na alam ang nangyari at saan na punta si Taeyeon !! AKO ANG MAY KASALANAN NG LAHAT NG ITO " eh sya naman pala ang may kasalanan eh . Pero teka magkayakap ?? Magkayakap ?Yakap ?? Hug ?? 

"Baekhyun hindi mo yun kasalanan . simula palang alam ko ng mahal mo si Taeyeon . Kung ako sa iyo ligawan mo nayun habang hindi pa huli ang lahat kaso may sabit ka pa diba ?? Ako ? Gusto ko sanang ligawan si Tayeon kaso nakikita kong mas magiging masaya tong story nato kung kayo ang magkakatuluyan sa huli ." so si Baekhyun pala ang may gusto kay Taeyeon .. Hmmm  pogi naman sya kaso mas pogi ako sa kanya .. iniyakan na ako ni Taeyeon ibigsabihin nun ako ang mahal nya . Biglang bumukas ng kaunti yung pintuan at may sumilip na isang maliit na lalaki na malaki ang mata . 

"Hyung tawag kayo ni Taeyeon " naglakad na papasok yung dalawang lalaki at ako naman hinintay ko muna silang pumasok at pinalipas ko muna ang ilang segundo at  pumasok na ako . Napansin kong gulat na gulat silang lahat . 

LOVE UNTIL THE END Where stories live. Discover now